^

PM Sports

Kahit binagyo angat pa rin ang Baguio

Francisco Cagape - Pang-masa

2018 Batang Pinoy National finals

BAGUIO CITY, Philippines — Kahit binagyo, nangunguna pa rin ang nagdedepensang Baguio City sa medal tally sa kanilang nahakot na 25 gold, 19 silver at 25 bronze medals  patungo sa huling dalawang araw ng aksiyon sa 2018 Batang Pinoy National Finals sa Baguio Athletic Bowl dito.

Pumapangalawa ang Laguna sa kanilang 18-5-13 (gold-silver-bronze) kasunod ang Quezon City (15-7-6), Lucena City (13-5-1), Cebu City (10-12-17), Cebu Province (10-6-12), Pasig City (9-16-10), Gen. Santos City (9-9-12), La Union Province (9-7-5), Panga-sinan (9-5-2) at Manila (8-0-3).

Karamihan sa mga ginto ng koponan mula sa summer capital city ng bansa ay mula sa contact sports lalung-lalo na sa arnis kung saan nakakuha sila ng siyam at 11-gintong medalya sa taekwondo.

Nakasungkit din sila ng dalawa sa athletics sa panalo nina Aira Mae Gali (sec. girls 800-m) at Clyde Wendell Monteflor (sec. boys 400-m), dalawa rin sa archery mula kay Trent Travis Ngay-os (cub boys) at cadet mixed team at isa sa swimming mula kay Alaric Justin Conlu sa boys 13-15-year 50-m backstroke.

 Samantala, pagkatapos ng apat na araw na bakbakan sa medal-rich athletics, nanguna ang Dasmariñas City sa kanilang 4-5-1 gold-silver-bronze haul. Pumangalawa naman ang Pangasinan na mayroong 4-3-1 at ikatlo ang Camarines sa 4-2-0.

Pinangunahan ng 15-anyos na si Jason Jabol ang arangkada ng Dasmariñas sa kanyang panalo sa secondary boys 100-m dash (11.59), 200-m dash (22.70) para angkinin ng Grade 7 na estudyante ng Immaculate Concepcion Academy ang titulo bilang fastest runner ng kompetisyon.

Ang ikatlong ginto ni Jabol na tubong Camarines Sur bago lumipat sa Dasmariñas pagkatapos ng 2014 Pala-rong Pambansa sa Tagum, Davao del Norte ay mula sa secondary boys 4x100-m relay kasama sina Jherwin Ricaforte, Charles Antones at Lord Angel Santos sa oras na 44:83.

“Talagang handang-handa ang mga atleta namin para sa Batang Pinoy. All-year round ang training namin at pinapadala pa namin sila sa iba’t ibang international competitions gaya ng ASEAN Schools sa Singapore,” sabi ni Dasmariñas coach Anthony Valdez.

BATANG PINOY NATIONAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with