Dream Supreme nambulaga
MANILA, Philippines – Pinakadehado sa lahat ang kabayong Dream Supreme nang manalo sa Race 3 noong Miyerkules sa pista ng San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona, Cavite.
Sinakyan ni jockey CP Henson ang 12-anyos na Dream Supreme na pagmamay-ari ni Ng Velasco at kinukundisyon naman ni trainer Jacob.
Sa nasabing karera ay bumandera ang liyamadong kabayo na Undercover, habang nasa segundo puwesto lang ang tambalang Dream Supreme at jockey CP Henson.
Pagsapit sa huling kurbada ay nagparemate na rin ang kakampi nang naunang kabayo na Alim’s Joy at kinuha ang one-two position pero pagdating sa rektahan ay muling humabol ang Dream Supreme at nanalo pa nang may tatlong katawan agwat.
Malaki ang ibinigay sa Forecast Betting Option dahil P446.50 kaagad ang tinamaan ng mga nakakuha sa nanalong kumbinasyon na 3-6, habang bayong naman ang naging dibidendo sa Quartet dahil P2,317.40 ang tinamaan ng mga nakakuha sa kumbinasyong 3-6-2-4.
Maganda rin ang bigay sa Extra Double kabit sa nanalong Jack of Clubs sa unang karera dahil ang tinamaan ng mga nakakuha sa kumbinasyon na 9-3, habang ang dibidendo naman sa Extra Double kabit sa nanalong Messi sa Race 5 ay nagbigay ng tamang P267 kada ticket.
Sa Pick-6 naman kung saan anim na nanalong kabayo ang kailangang makuha na nagsimula sa Race 2 ay nagbigay ng tamang P10,927 sa isang ticket na may nanalong kumbinasyong 7-3-8-3-1-5.
Laglagan kaagad sa Winner Take-All nang manalo ang Dream Supreme dahil 7,174 o 3,587 tikets na lang ang natira galing sa 281,899 na live pa bago tumakbo ang Race 3 kaya naman nang matapos ang karera ay P30,831.80 ang ibinigay sa mga tumama sa Winner-Take-All.
- Latest