^

PM Sports

Cebuana skateboarder ibinigay ang ika-4 na ginto

Mae Balbuena-Villena - Pang-masa

May tansong medalya din sa boxing at pencak silat

JAKARTA — Umalingawngaw ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon sa Palembang sa Jabakaring Sport City Skateboard Stadium dahil sa tagumpay ni Margielyn Didal sa pag­pa­patuloy ng aksiyon ng 18th Asian Games.

Matapos ang 11 araw na kompetisyon, sa wakas ay may medalya nang ambag ang mga atletang luma­laban sa Palembang para sa kabuuang apat na gold medal ng Team Philippines.

Sa pamamagitan ng dalawang impresibong tricks ay nagposte ng malaking kalamangan ang 19-anyos na si Didal kontra sa mahigpit na kalabang si Kaya Isa ng Japan na hindi na nakahabol pa.

Sa kanyang unang sabak sa Asian Games, nagposte si Didal ng 30.4 points na tumalo sa 25.00 ng Haponesa na nagkasya sa silver, habang ang bronze ay napunta kay Bunga Nyamas ng host Indonesia na nagtala ng 19.8 points.

“ I am very happy I did my best. Sobra ang saya po, lalung-lalo na sa mga skateboarders natin,” sabi ng Cebuanang si Didal, 12th place sa 2018 X Games, na pinanindigan ang kanyang pagiging paborito dito.

“We are ecstatic about Margie Didal’s victory. It’s my first time to watch a Skateboard competition and it’s breathtaking!” sabi naman ni POC president Ricky Vargas na dumating ng maaga dito mula sa Jakarta kasama si POC chairman Bambol Tolentino para saksihan ang laban ni Didal. “Thank you, Margie! You did us all proud with your daredevil performance. I hope our remaining athletes draw inspiration from her & our other medalists. Laban pa, Pinoy!”

Inihatid naman ni Almohaidib Abad ang ikaapat na bronze medal mula sa pencak silat nang tumapos sa third place sa men’s singles sa Padepokan Pencak Silat TM III Hall.

Nagsumite ang 18-gulang na si Abad ng 455 para ungusan ang mga kalaban mula sa Vietnam, China at Laos tungo sa kanyang third place finish sa quarennial meet na ito bilang pambawi sa kanyang 5th place finish noong 2017 Malaysia SEA Games.

Si Abad, first-timer sa Asiad, ang ikalawang pi­na­kabatang Pinoy athlete na nagwagi ng medalya matapos si gold medalist Yuka Sosa sa golf.

Nauna nang nanalo ng bronze medals sina Cherry Mae Regalado, Dines Dumaan at Jefferson Rhey Loon sa kanilang mga events.

Ang iba pang bronze medals ay galing sa men at women’s poomsae team, taekwondo jin Pauline Louise Lopez, wushu  artists Agatha Wong at Divine Wally, jiujitsu Meggie Ochoa, BMX rider Daniel Caluag, isa kay Pagdanganan at apat sa pencak silat.

Nakasiguro na rin ng bronze medal si boxer Carlo Paalam matapos igupo si Termitas Zhussupov ng Ka­zakhstan, 4-1 sa Men’s 46-49kg quarterfinals.

Nauna nang nakatiyak ng tanso ang Olympian na si Rogen Lagon matapos  ang pinaghirapang 3-1 split decision win kontra kay Azat Mahmetov ng Ka­zakhs­tan kamakalawa ng gabi.

Sa athletics, tumapos naman si Fil-American trackster si Kristina Knott sa pang-pitong puwesto ma­tapos magsumite ng tiyempong 23.51 segundo sa finals ng women’s 200-meter run.

ASIAN GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with