Final Four kinumpleto ng Lady Maroons
MANILA, Philippines — Mabilis na nakabangon ang Adamson University para igupo ang San Sebastian College, 19-25, 25-10, 25-21, 25-13, upang makumpleto ang elimination sweep sa Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Pinangunahan nina Bernadette Flora at Eli Soyud ang atake ng Lady Falcons para pigilan ang pagtatangka ng Lady Stags at matamis na kubrahin ang kanilang ikapitong sunod na panalo.
Kumana si Flora ng 17 puntos tampok ang 11 attacks kalakip ang 12 excellent receptions, habang nagdagdag si Soyud ng 15 markers at 13 digs sa panalo ng Adamson.
“I am happy we made it. It’s not the ending that I wanted but we’re the only team who is at 7-0. We didn’t get that way by barely making it. There are some parts in our game that are really strong and I need us to be confident in that going forward,” ani Adamson coach Air Padda.
Sa ikalawang laro, namayani ang University of the Philippines sa San Beda University, 25-19, 25-16, 25-9, para angkinin ang huling tiket sa Final Four.
Nakalikom naman si MJ Igao ng 28 excellent receptions, habang naglista si Tonnie Ponce ng 25 digs at 15 receptions para sa depensa ng Lady Falcons.
Samantala, nakuha ng UST ang No. 2 seeding sa Final Four matapos patumbahin ang Far Eastern University, 25-15, 25-27, 25-18, 22-25, 15-11, sa larong ginanap sa Cagayan de Oro City.
- Latest