^

PM Sports

50 golds kinolekta ng mga Pinoy skaters

Pang-masa

BANGKOK, Thailand - Humakot ang Team Philippines ng 50 gintong medalya sa katatapos na Skate Asia 2018.

Sumabak ang 17 Filipino figure skaters sa higit sa 100 events at nakakolekta ng kabuuang 103 medalya.

Bukod sa 50 gold medals ay nagtala din ang ko­ponan ng 43 silver at 10 bronze medals laban sa halos 1,000 partisipante mula sa China, Hong Kong, Malaysia, Singapore at Vietnam.

Dalawang Filipino figure skaters ang nagdo­mina sa kanilang mga events sa nasabing eight-day competition.

Winalis ng 13-anyos na si Gabrielle Lim ang pitong events at nangu­na ang 16-anyos na si Karylle Cate Kho sa li­mang events.

Sinabi ni Lim na nagustuhan niyang subukan ang figure skating matapos makapanood ng Japanese sports ani­me television series.

Ang mga Filipi­no fi­gure skaters ay gi­na­ba­yan nina Dave Alarcon, Abraham Domdom at Eric Navalta.

vuukle comment

SKATE ASIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with