^

PM Sports

Miciano sumampa sa Top 15

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinaig ni Pinoy International Master John Marvin Miciano si Joachim Bergre ng Sweden at nakipag-draw kay Singaporean Advait Bagri sa seventh at eighth round para makapasok sa Top 15 papunta sa final round ng Burgse Meesters in Burges, Belgium noong Miyerkules ng gabi.

Umibabaw si Miciano mula sa ilalim matapos isuko ang unang laro at nakipaghati ng puntos sa ikalawa niyang laban.

Nakisosyo si Miciano sa 13 pang player sa 13th place sa magkakatulad nilang 5.5 points makaraang magsulong ng limang puntos sa huling anim na  rounds.

Nakapalaman dito ang apat na panalo ng Far Eastern University top board player.

Maaari siyang makasama sa Top 10 kung tata­lunin si Christopher Russel ng England kagabi.

Samantala, tinalo ni Grand Master Oleg Kor­neev ng Spain si second seed GM Zeng Chong­sheng ng China para sa kanyang ikaanim na sunod na panalo at iposte ang 7.0 points.

Natalo naman si Filipina Woman GM Janelle Mae Frayna kay FIDE affiliated WIM Tsveta Galunova, habang nakipag-draw si Pinoy GM Jayson Gonzales kay Alex Moreto Quintana ng Spain para sa kanyang 5.0 points.

Nilalabanan pa kagabi ni Frayna si Tim Peeters ng Belgium at kalaro naman ni Gonzales si Belgian Joris Verhelst at umaasang mapapasama sa Top 20 ng kompetisyon.

JOHN MARVIN MICIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with