^

PM Sports

Ayaw nang umalis ng Pinas ni Brownlee

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Ayaw nang umalis ng Pinas ni Brownlee
Justine Brownlee

MANILA, Philippines — Matapos magkampeon ang Ginebra noong nakaraang Miyerkules, sinabi ni import Justine Brownlee na gusto niyang maglaro sa Gin Kings habambuhay.

Ngayon, nais niya na ring maging Pilipino at tumira sa bansa nang permanente.

Iyon ang inanunsyo ng resident Ginebra import kamakalawa sa ginanap na 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup victory party ng Gin Kings sa Metrotent Convention Center sa Pasig City.

 “I want to consider the Philippines home. Period. I wish I could be at home permanently,” ani Brownlee na umani ng palakpakan at sigawan mula sa libu-libong Ginebra fans. “Mahal ko kayo!”

Nasa ikalawang taon pa lamang ng paglalaro sa PBA buhat nang magsilbing replacement import lamang noong 2016, makailang ulit ng inamin ni Brownlee ang pagmamahal niya sa mga Pinoy at sa Pilipinas na siyang dahilan ng pangarap niyang dito na rin manirahan sa pagtatapos ng kanyang karera.

Sinuportahan naman ni San Miguel Corporation (SMC) sports director at Ginebra team governor Al Francis Chua ang kagustuhan ni Brownlee.

“Brownlee loves the Philippines. He told me many times na kung matapos siya ng paglalaro, he wants to stay in the Philippines and he wants to be naturalized,” ani Chua na nangakong may trabahong nakalaan ang SMC para kay Brownlee kung matapos na siya sa paglalaro.

Bunsod ng kanyang mapagkumbabang personalidad, nakuha ni Brownlee ang puso hindi lamang Ginebra fans kundi pati na rin ng buong Filipino basketball fans bilang nagsilbing import na rin para sa Alab Pilipinas sa Asean Basketball League.

At kung sakaling magdesisyon nga siyang dito na mamalagi ay susundan niya ang yapak ng mga dati ring resident imports na si Bobby Parks at Norman Black na naging Filipino na kinalaunan.

Ngunit tsaka na siguro iisipin ni Brownlee iyon dahil marami pa siyang basketball na ilalaro sa nalalapit na pagsabak ulit sa PBA bilang import na naman ng Ginebra sa nalalapit na 2018 Governors’ Cup.

JUSTINE BROWNLEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with