Bersola magbabalik sa BanKo-Perlas
MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap ng BanKo Perlas ang pagbabalik ng dating best middle blocker ng liga gayundin sa UAAP na si Kathy Bersola na nais makapagbigay ng magandang performance sa Premier Volleyball League Open Conference nga-yong taon.
Bumalik ang 22-gulang na si Bersola, dating Lady Maroons team captain na nanalong best middle blocke sa PVL at sa UAAP dalawang taon na ang nakakaraan, sa Perlas Spikers matapos ‘di sumali noong Reinforced Conference para mag-focus sa pag-aaral at palakasin ang kanyang tuhod na na-injury.
Sinabi ni Charo Soriano, ang club owner at team manager na mala-king tulong si Bersola sa hangarin nilang higitan ang third-place finish sa Reinforced Conference na pinangunahan ng Creamline Cool Smashers.
“Kathy Bersola will return and she will be a big help as we try to improve on our third-place performance last conference,” sabi ni Soriano sa press conference sa Kuya J’s sa KIA Theatre sa Cubao, Quezon City kung saan idinaos ng koponan ang Fan’s Day.
Muling makakasama ni Bersola ang dati niyang UP teammate na si Nicole Tiamzon na katulong niya sa Lady Maroons sa third place finishes noong 2015 Reinforced at 2016 Collegiate Conferences.
Nasa BanKo-Perlas din sina Jem Ferrer, Amy Ahomiro, Ella de Jesus, Suzanne Roces, Dzi Gervacio, Gizelle Tan, Amanda Villanueva at Mae Tajima kasama sina Sasa Devanadera, Joy Dacoron at Fehn Emnas.
Sinabi ni BPI Direct BanKo president Jerome Minglana, masaya siya sa performance ng koponan. “The BanKo Perlas Spikers showed heart and resiliency as they battled the challenges in the games and we’re happy with the strong support we’re receiving from the fans even our colleagues in the bank,” aniya.
- Latest