^

PM Sports

Lady Tams inihulog ang Lady Stags

Chris Co - Pang-masa
Lady Tams inihulog ang Lady Stags
Pinagtulungan nina Cindi Imbo at Shyra Marie Umandal ng Perpetual si Marian Alisa Buitre ng UP.
PM photo ni Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Walang makabasag sa bangis ng Far Eas­tern University nang iselyo ang 25-15, 25-22, 25-18 panalo laban sa San Sebastian College-Re­co­le­tos upang masolo ang liderato sa Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Balanseng atake ang inilatag ng Lady Tamaraws upang makuha ang kanilang ikatlong sunod na panalo.

Nanguna sa pagkaka­taong ito si Heather Gui­noo na may 9 puntos at 9 digs, habang nagsumite ng tig-walo sina middle hitters Jeanette Villareal at Celine Domingo sa ha­nay ng FEU.

Nakagawa naman ng 14 excellent sets si play­maker Kyle Negrito kalakip ang limang hits, samantalang nagdagdag si Jerilli Malabanan ng anim na markers.

Hindi naman naka­por­ma ang Lady Stags.

Nakakuha ang San Se­bastian ng pitong puntos mula kay second stringer Sofia Sarmiento.

Malaking balakid sa panig ng Lady Stags ang 31 errors na nagawa.

Hirap din ang San Se­bastian sa depensa kung saan tanging 14 re­ceptions lamang ang naitala, habang tatlong sets lamang ang nagawa ni playmaker Alexis Sison.

Magarbo namang si­­­ni­mulan ng Universi­ty of the Philippines ang ka­­nilang kampanya ma­ta­pos palugmukin ang Uni­­­versity of Perpetual Help System Dalta, 25-12, 25-12, 25-23.

Humataw si outside hitter Isa Molde ng 14 puntos, habang may pi­nagsamang 13 markers si­na Marian Buitre at Ai Gannaban para dalhin ang Lady Maroons sa 1-0 panimula.

Sa kabila ng tagum­pay, hindi natuwa si UP mentor Godfrey Okumu sa ipinakita ng kanyang mga bataan.

“We were trying to do things in a haste. We’re in a hurry but we’re lucky that we were able to recover,” wi­ka ni Okumu.

Sa men’s division, na­­paamo ng Adamson University ang San Be­da University, 25-23, 25-21, 29-27, para ma­so­lo ang liderato tangan ang 3-0 marka.

Kinuha ng reig­ning NCAA champions na Per­petual Help ang 19-25, 25-22, 21-25, 25-18, 15-13 desis­yon kontra sa FEU.

vuukle comment

LADY TAMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with