Perpetual solo sa 3rd
MANILA, Philippines — Umiskor ng 22 puntos ang rookie na si Edgar Charcos para iangat ang University of Perpetual Help Altas sa 76-74 panalo laban ng Emilio Aguinaldo College Generals sa pagpapatuloy sa “NCAA on Tour” ng 94th NCAA basketball tournament sa EAC Gym sa Ermita, Manila.
Bukod sa transferee mula sa UE Red Warriors na si Charcos, umani rin ng double-double performance si Prince Eze sa kanyang 15 puntos, 22 rebounds at siyam na blocks upang makamit ang kanilang ikalawang panalo sa tatlong laro at umakyat sa solo third spot sa likuran ng nangungunang Lyceum Pirates (4-0) at San Beda Red Lions (2-0).
Si Kim Aurin ay gumawa rin ng 12 puntos, siyam na rebounds at walong assists para sa tropa ni coach Frankie Lim.
Pinangunahan ni rookie Maui Cruz ang Generals sa kanyang 18 puntos.
Sa juniors vision, bumawi naman ang EAC Brigadiers matapos pataubin ang Junior Altas, 83-78 para masungkit ang unang panalo sa tatlong laro.
- Latest