Isaiah Thomas sa Denver na
DENVER -- Magla-laro sa kanyang pang-walong NBA season, magsusuot ng bagong uniporme si point guard Isaiah Thomas.
Pumayag ang two-time All-Star guard na pirmahan ang isang one-year, $2 million deal sa Nuggets.
Ito ay matapos makausap ni Thomas sina Nuggets coach Michael Malone at president of basketball operations Tim Connelly sa Las Vegas para sa mga plano ng Denver.
Hindi nakita si Thomas sa una niyang 36 games at sa huling 11 games ng nakalipas na season bunga ng right hip surgery, ang parehong problemang nagpaupo sa kanya sa 2017 playoffs.
Matapos simulan ang kanyang NBA career sa Sacramento Kings noong 2011-12 kasunod ang paglalaro sa Phoenix Suns, sumikat si Thomas nang maglaro sa Boston Celtics.
Hinirang siyang All-Star member noong 2015-16 at 2016-17 at nagtala ng mga averages na 25.5 points at 6.1 points sa pinagsamang seasons.
Inihatid niya ang Cel-tics sa 2017 Eastern Conference finals laban sa Cleveland bago nagkaroon ng problema sa balakang.
Dinala ng Celtics sina Thomas, Jae Crowder, Ante Zizic, isang 2018 first-round draft pick at 2020 second-rounder sa Cavaliers kapalit ni guard Kyrie Irving.
Ibinigay naman ng Cavaliers sina Thomas, Channing Frye at isang 2018 first-round draft pick sa Los Angeles Lakers noong Pebrero 8 para makuha sina Jordan Clarkson at Larry Nance Jr.
- Latest