^

PM Sports

P1.8 milyon WTA tinamaan ng magkakaibigan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sobrang suwerte ang inabot ng pitong magkakaibigan na nagpunta sa isang OTB sa Maynila noong Linggo para magsaya sa karera ng MetroTurf.

Pagkatapos na magbakas-bakas at tumaya sa first set ng winner-take-all, laking gulat nilang lahat nang solo winner ang kanilang WTA ticket  na pinuhunanan nila ng P4,800.

Tumataginting na P1.8-million ang kinubra ng magkakaibigan kinabukasan na dahil walang pasok noon sa main office ng MetroTurf sa Mandaluyong kung saan sila nagpunta at nagbaka-sakaling kubrahin ang kanilang tinamaan.

Minabuti na lamang ng magkakaibigan na mag-check-in sa isang malapit na boarding room at magdamag na nag-inuman para hintayin ang pagbubukas ng opisina ng MMTC para kumubra.

May Carry-over kasi ang first Pick-6 na P796,998 noong Huwebes at paglalabanan naman ngayon ang tumataginting na  carry-over na P1,155,954 sa first WTA.

vuukle comment

METROTURF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with