^

PM Sports

Foton determinadong makatikim ng panalo

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hangad ng Foton ang unang panalo sa pagharap sa UP-United Auctioneers habang target ng Smart-Army ang ikatlong panalo sa pakikipagtagpo sa UE-Cherrylume sa pagpapatuloy ng 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga Invitational Conference na dadayo naman nga-yon sa Imus Sports Center sa Imus, Cavite.

Matapos ang sunud-sunod na talo, asam ni Foton coach Rommel Abella na pumasok na sa win column sa pakiki-pagtuos sa Lady Fighting Maroons sa alas-4:15 ng hapon. Ang Lady Maroons ni coach Godfrey Okumu ay wala pa ring panalo sa dalawang laro.

Gusto naman ng Smart-Army ni coach Kungfu Reyes na iselyo ang kanilang hawak sa ikalawang puwesto sa pakikipagtuos sa wala pa ring panalong Lady Warriors sa alas-7 ng gabi.

Pagkatapos ng magaang panalo laban sa Cocolife, 25-13, 25-17, 25-11 noong Sabado, muling sasabak ang Philippine national women’s volleyball team ni coach Shaq De Los Santos sa non-bearing game laban sa defending champion Cignal HD sa alas-2 ng hapon.

Sa isa pang laro, paborito rin ang Smart Giga Hitters na magwagi laban sa Cherrylume Lady Warriors na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatikim ng panalo.

Sa kanilang 2-1 win-loss kartada, halos nakakasiguro na ang Giga Hitters sa pagpasok sa susunod na round.

Ang tanging talo pa lamang ng Smart ay sa mga kamay ng Cignal HD kung saan winalis sila sa 10-25, 24-26, 18-25 noong Hunyo 28.

ROMMEL ABELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with