^

PM Sports

Ika-3 sunod na panalo ng Cignal HD Spikers

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinadapa ng defending champion Cignal HD Spikers ang Sta. Lucia Lady Realtors, 25-18, 26-28, 25-23, 18-25, 15-9 kahapon sa “Spike on Tour ng  2018 Chooks to Go-Philippine Superliga Invitational Conference sa Cadiz City Arena sa Negros Occidental.

Pagkaraang humirit pa ng deciding set ang Lady Realtors, hindi na pinalampas pa ni Rachel Ann Daquis ang pagkakataon at bumirada ang team captain ng sunud-sunod na puntos para masungkit ang panalo sa limang sets.

Tumapos si Daquis ng 17 puntos, kabilang na ang 13 atake, tatlong blocks at isang ace upang makuha ng HD Spikers ang ikatlong sunod na panalo at lumapit sa playoff round.

Umiskor din si Shirley Salamagos ng dalawang sunod na atake pare tapusin ang laban sa dalawang oras at 16 minuto.

“Yung sacrifices namin, ‘yung sobrang paghihirap namin ang nagpanalo sa amin sa la-rong ito. Talagang gusto naming manatili sa top spot,” sabi ni Daquis.

Sa kanilang panalo, nanatili ang tropa ni coach Edgar Barroga sa liderato sa Pool B sa 3-0 win-loss kartada habang bumaba naman ang Lady Realtors sa pang-apat na puwesto sa kanilang 1-2 card.

“We are all talented in the team, but I’m really sharing everything in my experiences sa aking mga teamates,” dagdag ni Daquis.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban pa ang Foton at Petron.

vuukle comment

RACHEL ANN DAQUIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with