Uhaw pa rin si Caguioa
MANILA, Philippines — Tulad ng kahit sinong beterano, wala nang pakialam si Mark Caguioa sa anumang individual award.
Ang tangi na lang niyang misyon bago tuluyang isabit ang kanyang popular na #47 jersey ay ang makalikom ng marami pang kampeonato hangga’t kaya niya pa.
Ito ay matapos siyang umiskor ng walong puntos sa 134-107 panalo ng Barangay Ginebra kontra sa Columbian Dyip na siyang nagtulak nga sa kanya sa kabuuang 9, 931 na puntos.
Nalagpasan niya na si Freddie Hubalde, ang 1977 Most Valuable Player (MVP) na may 9, 927 puntos para sa ika-15 puwesto ng pambihirang Philippine Basketball Association (PBA) all-time scoring list.
“‘Yung mga individual feats, I’m okay with it. Pero you know, when you’re ano na (at this age), I’m just looking for more championships,” anang 38-an-yos na si Caguioa.
Na-draft bilang third overall pick noong 2011 ng Gin Kings, makailang ulit na napili sa All Star at Mythical Selection, naparangalan ding MVP si Caguioa noong 2012 gayundin ang naisukbit na tatlong Best Player of the Conference na parangal.
Bunsod din ng kanyag 9,931 puntos, kulang na lamang ng 69 puntos ang tinaguriang ‘The Spark’ upang mapabilang sa prestihiyosong 10, 000-point club.
“Those points will come but I’m not really after anything. I will not go after it. I’m just gonna try to win more championships,” pagtatapos niya.
- Latest