^

PM Sports

Hiwalayang Chan at Wright

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Be a leader”.

Iyan ang mga huling kataga ni Jeff Chan sa kasanggang si Matthew Wright nang lisanin ang koponan kamakalawa.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawasak ang tambalan ng dalawa sa pinakamagaling na shooters ng Philippine Basketball Association nang itulak ng Phoenix patungong Barangay Ginebra kapalit ng 2018 first round pick.

At ang naging pinaka-apektado sa naturang trade ay ang sophomore player na si Wright na itinuring na guro si Chan nang dumating ito sa Phoenix noong nakaraang taon.

Matagal na naglaro sa Rain or Shine, napunta sa Fuel Masters ang 34-anyos na si Chan noong nakaraang Agosto kapalit ni Mark Borboran at ng 2020 second round pick.

Ito ang nagmitsa sa guro-estudyanteng relasyon ng dalawa lalo’t isang 10-year veteran at dati na ring national team player si Chan.

Sa ilalim ng gabay ni Chan, napangalanan si Wright bilang miyembro ng All Rookie Team at napasali rin sa national team na Gilas Pilipinas.

“When he came last year, he helped me with my game. Him being also a former Gilas player, he helped me elevate my game. I just try to emulate some of things I saw from him,” aniya nang malaman ang trade. “That part of him I will be missed, leading by example.”

Ngayong wala na si Chan, isang hamon kay Wright ang pamunuan ang Phoenix squad lalo’t mawawalan sila ng 11.56 puntos, 4.4 rebounds at 4.1 assists na output mula kay Chan.

Sa kabila nito, handa si Wright lalo’t may panghahawakan siyang mga kataga mula kay Chan na itutu-ring niya ngayong inspirasyon.

“He just told me to be a leader. I need to try to lead these guys even though I’m still young. He said I need to lead by example,” pagtatapos niya.

Sa kabilang banda ay sasalang naman si Chan ngayon ding araw para sa Ginebra kontra sa Columbian Dyip.

JEFF CHAN

MATTHEW WRIGHT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with