^

PM Sports

Valdez babandera sa Philippine team sa ASIAD

Chris Co - Pang-masa
Valdez babandera sa Philippine team sa ASIAD
Alyssa Valdez

MANILA, Philippines — Buo na ang Final 14 ng Philippine women’s national team na hahataw sa 2018 Asian Games sa Jakarta at Palembang sa Indonesia.

Inihayag ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. ang official lineup na isusumite nila sa Philippine Olympic Committee (POC) sa pangunguna ni Aby Maraño ng F2 Logistics na siyang itinalagang team captain ng tropa.

Kasama rin ang mga katropa nito sa Cargo Mo­vers na sina middle hitter Majoy Baron, opposite spi­ker Kim Kianna Dy, open spiker Cha Cruz, libero Dawn Macandili at setter Kim Fajardo.

Magpapasiklab din ang twin towers ng Philippine volleyball na sina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat ng Foton gayundin sina dating Ateneo de Ma­nila University standouts Alyssa Valdez at Jia Mo­­rado ng Creamline at sina Mika Reyes at Ces Mo­lina ng Petron Blaze.

Nasa reserve list sina setter Rhea Dimaculangan ng Petron at libero Denden Lazaro ng Cocolife.

“Ibibigay lang namin ‘yung best namin dahil malalakas na teams talaga ang kasali sa Asian Games. Magandang opportunity ito sa mga players pa­ra makakuha ng experience sa isang mataas na le­­­vel na competition,” wika ni national team head coach Shaq Delos Santos.

Kapuna-puna ang pagkawala ni Pocari Sweat-Air Force ace player Myla Pablo na isa sa pinakamahusay na outside hitter sa bansa sa kasalukuyan.

Hindi rin nakuha sina Mylene Paat, CJ Rosario, MJ Phillips, Rebecca Rivero at Maika Ortiz.

Ngunit mananatili ang mga ito sa national pool.

Nilinaw ng coaching staff na magkakaroon ng tsan­sang makapaglaro ang iba pang miyembro ng na­­­tional pool sa ibang torneo par­ti­ku­lar na sa Asian Wo­men’s Volleyball Cup na ga­ganapin naman sa Set­yembre sa Thailand.

Sisimulan ng national team ang kanilang pagha­handa sa pagsalang sa Philippine Superliga Invitatio­nal Conference na magsisimula sa Hunyo 23.

Sa kabila ng iba’t ibang koponang pinanggalingan ng mga players ay tiniyak ni Maraño na hindi magi­ging problema ang kanilang samahan.

“Wala namang magiging problema dahil magka­kakilala na kami. Masaya kami sa training,” sabi ni Ma­raño.

VALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with