^

PM Sports

Valdez, Santiago sisters pasok sa national pool

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangalanan ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. ang 20 manlalarong bubuo sa national pool sa women’s volleyball na lalaban sa ilang malalaking international tournaments.

Pasok sa listahan ng koponan si volleyball star Alyssa Valdez ng Creamline Cool Smashers kasama sina reigning UAAP MVP Jaja Santiago at Dindin San­tiago-Manabat ng Foton Tornadoes.

Nasa listahan din sina Myla Pablo ng Pocari Sweat-Air Force, Cha Cruz ng F2 Logistics, MJ Phillips ng Sta. Lucia Realty at sina Christine Joy Rosario ng Foton at Mika Reyes ng Petron.

Apat ang napiling setters sa ngalan nina veteran playmakers Jia Morado ng Creamline, Kim Fajardo ng F2 Logistics, Rhea Dimaculangan ng Petron at Rebecca Rivera ng Sta. Lucia Realty at nakuha namang libero sina Dawn Macandili ng Cargo Movers at Denden Lazaro ng Cocolife.

Ang iba pang miyembro ng national pool ay sina Mylene Paat ng Cignal HD, Maika Ortiz ng Foton at Ces Molina ng Petron at sina Kim Kianna Dy at Majoy Baron ng Cargo Movers, habang si F2 Logistics middle blocker Aby Maraño ang hinirang na team captain.

Inaasahang papangalanan ng LVPI ang 14 manlalarong mapapasama sa final lineup para sa Asian Games sa Indonesia sa Agosto at sa Asian Women’s Volley­ball Cup na gaganapin naman sa Setyembre sa Thailand.

Isasabak nina national team head coach Shaq Delos Santos, assistants Kungfu Re­yes at Brian Esquivel ang koponan sa Philippine Superliga Invitational Confe­rence na magsisimula sa Hunyo 23.

LARONG VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with