Phl Army, Dasmariñas athletes namayagpag

2018 Ayala Philippines Athletics Championships
ILAGAN CITY, Philippines — Nagkamal ng ginto ang Dasmariñas City Athletic Team at Philippine Army upang tanghaling general champion sa juniors at seniors division, ayon sa pagkakasunod sa pagtatapos ng 2018 Ayala Philippines Athletics Championships kamakalawa ng gabi dito sa City of Ilagan Sports Complex sa Isabela.
Kumolekta ng 13 ginto, anim na pilak at tatlong tansong medalya ang Dasma tungo sa ge-neral championship ng juniors’ division habang nagsubi naman ng 11-6-8 gold-silver bronze me-dals ang Philippine Army para sa kampeonato ng seniors’ division.
Trinangkuhan ni Veruel Verdadero at Eliza Cuyom ang dominasyon ng Dasma nang sumungkit sila ng tig-apat na gintong medalya upang mapangalanang Juniors Boys at Girls Most Valuable Player, ayon sa pagkakasunod.
Naghari ang 17-an-yos na si Verdadero sa 200m, 400m at 4x100 mixed gender relay habang ang 16-anyos na si Cuyom naman ang nag-reyna sa 110m hurdles, 4x100m girls relay at 4x100 mixed gender relay.
Silang dalawa rin ang tinanghal na Fastest Junior Athlete matapos parehong dominahin ang centerpiece event na 100m run.
Sa seniors’ division naman ay giniyahan nina Richard Salano at Ailene Tolentino ang atake ng Philippine Army nang umangking sila ng tigatlong ginto upang maparangalang Men and Women MVP.
Nanalo si Salano sa men’s 5,000m, 10,000m at 3,000 steeplechase habang si Tolentino ang nagwagi sa 800m, 1,500m at 3,000 steeplechase.
Pinarangalan din si Evangelene Caminong ng high jump bilang Record Breaker of the Cham-pionship matapos magtala ng 1.71 m sa girls’ high jump. Binura niya ang 2016 record ni Kaylene Mosqueda na 1.69m.
Sina Henry Gonzales at Mark Matthew Ope-rario naman ang tinanghal na Man of Steal at Strongest Junior Athlete nang sukbitin nila ang men’s at boys’ decathlon, ayon sa pagkakasunod habang si Alexie Marie Caimoso ang ‘Iron Maiden’ bunsod ng panalo sa girls’ heptathlon.
Ang national team members naman na sina Anfernee Lopena at Eloi-sa Luzon ang Fastest Man and Woman of the Championship matapos ang pamamayani sa century dash ng seniors’ division.
Hindi rin nagpahuli ang mga alamat ng Phi-lippine track and field na sina Elma Muros-Posadas at Emerson Obiena sa pagsukbit nila ng titulong Most Outstanding Masters Woman and Man Athlete sa pinakamalaking trackfest ng bansa na suportado ng Ilagan City, Ayala Corporation, Milo at Philippine Sports Commission.
- Latest



















