^

PM Sports

Si Martes ang nagpasimula

Francisco Cagape - Pang-masa
Si Martes ang nagpasimula
CrIstabel Martes
Jun Mendoza

CEBU CITY, Philippines — Nasungkit ng 38-anyos na si Cristabel Martes ng athletics ang unang gintong medalya habang tatlong gintong medalya ang nakuha ni Nicole Meah Pamintuan ng Sta. Rosa City sa swimming competition kahapon sa pagsisimula ng aksiyon sa 9th Phi-lippine National Game sa Cebu City Sports Center dito.

Wala pa ring kupas ang dating miyembro ng national team na si Martes na ngayon ay kumatawan sa Baguio City matapos pagbidahang muli ang wo-men’s 10,000-m run sa oras na 40:11.5 minuto.

“Matagal na akong wala sa national team. Nagtuturo na lang ako ng private ngayon kaya hindi tuluy-tuloy ang ensayo ko para sa kumpetisyon na ito. Pero sapat naman ang naging paghahanda dahil papunta rin kami sa Korea ngayong Sunday kasama si Joy (Tabal) bago ang National Open,” sabi ni Martes na mayroon nang isang anak na babae na si Mariam.

Iniwan ni Martes ang second placer na si Ruffa Sorongon ng Cebu City ng mahigit isang metro (41:16.8) habang pangatlo naman si Sandi Abahan ng Baguio City din sa 44: 31.3.

Hanggang ngayon nananatili pa rin ang national record ni Martes na 34:40.3 sa women’s 10,000-m run na kanyang naitala noong May 17, 2001 sa national Open sa Manila. Si Martes ay tatakbo pa rin sa 1,500-m run ngayong araw at sa 5,000-m run bukas.

Sa swimming, agad nagparamdam ang 18-anyos na dating Palarong Pambansa standout na si Pamintuan pagkaraang dominahin ang girls 16-year and over 200-m individual medley (2:32.87), 100-m freestyle (1:02.12) at 50-m backstroke (32.64-sec).

Dahil sa kanyang pagratsada, nangunguna agad ang Sta. Rosa City sa medal tally sa tatlong ginto habang tatlo rin sa Gen. Santos City mula kina Camilo Russel La Torre (boys 16-year and over 100-m freestyle at 1,500-m freestyle) at Kelsey Claire Jaudian (boys 16-year and over 800-m freestyle.

“I want to come up with a strong performance because I really want to play in the Asian Games. If I won’t qualify in the individual events, at least I’m hoping to make it to the relay team,” sabi ni Pamintuan na nanalo rin ng limang gintong medalya sa nakalipas na 2018 National Age Group Swimming Championship.

Dalawang ginto rin ang nakuha ng Las Piñas City sa swimming galing kay David Franco de la Rosa (boys 16-year and over 200-m individual medley at  50-m backstroke).

Samantala, dinoble ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang incentives para sa top 5 local goverment units na magdodomina sa PNG.

“From Php 5 million, I will add another Php 5 million, so it will be now Php 10 million for the champion. For the first runner-up, from P4 million to P8 million and from P3 million to P6 million for the second runner-up,” sabi ni Pres. Duterte sa opening ceremonies noong Sabado ng gabi.

Sa karagdagang incentives, ang third runner-up ay makakatanggap na ng P4 million at P2 million sa fourth runner-up ayon sa pahayag ni Pres. Duterte na kahit nahuli ng mahigit isang oras dahil sa naunang commitments dito, masigasig pa ring nagsigawan ang full house crowd sa loob ng CCSC sa kanyang pagdating.

CRISTABEL MARTES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with