^

PM Sports

Celtics dinomina ang Cavs sa Game 1

Pang-masa
Celtics dinomina ang Cavs sa Game 1
Naglambitin sa ring si Marcus Morris ng Celtics matapos ang kanyang dunk laban sa Cavaliers.

BOSTON — Ang ibi­nigay na assignment ni head coach Brad Stevens kay Celtics forward Marcus Morris ay pigilin si Le­Bron James.

Ngunit higit pa doon ang ginawa ni Morris.

Kumolekta si Morris ng 21 points at 10 re­bounds at pinuwersa si James sa playoff-high na pitong turnovers at play­off-low na 15 points para tulungan ang Boston na ta­lunin ang Cleveland Ca­valiers, 108-83, sa Game One ng kanilang Eastern Conference Finals.

“He’s obviously the best player in the game,” wika ni Morris sa four-time NBA MVP na si James. “Because I’m a competitor. He’s the best player, and I’m going to be able to tell my kids this one day.”

Umiskor naman si Jay­len Brown ng 23 points at nagdagdag si Al Horford ng 20 markers para sa Celtics, tumipa ng  17 sunod na puntos sa first period at hindi hi­nayaang makadikit ang Cavaliers sa single digit.

Hawak ng Boston ang 28-point lead nang ipa­hinga ni Cleveland coach Tyronn Lue si James sa 7:09 minuto ng fourth quarter.

Nakatakda ang Game Two sa Miyerkules (Manila time).

“I have zero level of concern at this stage,” wika ni James, tumipa ng 5-for-16 fieldgoal shoo­ting at naimintis ang lahat ng kanyang three-point attempts.

“I’ve been down before in the postseason, but for me there’s never any level of concern — no mat­ter how bad I played tonight, with seven turnovers, how inefficient I was shooting the ball. We have another opportuni­ty to be better as a ball club coming in Tuesday night, and we’ll see what happens,” dagdag pa ng three-time NBA champion.

Humakot naman si Ke­vin Love ng 17 points at 8 rebounds at tumapos si James na may 9 assists at 7 boards.

“I think we’re very alert to the fact that we’ll get a heavyweight punch on Tuesday night,” ani Ste­vens. “It’s another great challenge, another great opportunity to expe­rience something for this team.”

Itinayo ng Celtics ang malaking 28-point lead, 61-33, laban sa Cavaliers matapos ang three-poin­ter ni Brown sa nalala­bing 32.4 segundo ng se­cond quarter.

BRAD STEVENS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->