^

PM Sports

Team Philippines May Element of Surprise

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Aminado si coach Ronnie Magsanoc at ang pamunuan ng SBP na mahirap na daan ang tatahakin ng Philippine team sa FIBA 3x3 World Cup, kalaban ang Russia, Brazil, Canada at Mongolia sa group play.

Sina Christian Standhardinger, Stanley Pringle, Troy Rosario at RR Pogoy ang bumubuo ng Team Phl na seeded na pangalawa sa huli sa 20 teams na magbabakbakan sa event na nakatakda sa June 8-12 sa Bocaue, Bulacan.

Naniniwala naman si Magsanoc na may dalawang malaking bagay na pwedeng makatulong sa Pilipinas para makapagpakita ng maganda.

“We build a young team na hindi kilala sa 3x3 World Tour. May dalawang bagay na maaaring ma­ging advantage natin – element of surprise at ang homecourt advantage,” ani Magsanoc.

“Hopefully, the four chosen ay hindi pa nakikita ng mga kalaban. Yung mga kalaban, buong taon in the last three to five years diretso ang laro. Tra­ba­ho na nila ang 3-on-3. We’re banking on that and hopefully it would work for us,” dagdag pa ni Mag­sanoc.

Umaasa si SBP president Al Panlilio na ma­ka­pagpapakita nang maganda sina Standhardinger, Pringle, Rosario at Pogoy at nang lumaki ang awareness sa bansa sa 3x3 na nakatakda nang ilaro sa Olympics sa 2020.

Ayon kay Panlilio, tinutulak sila ng FIBA na pagtuunan ng pansin ang 3x3 para sa dagdag na tsan­sa na makatuntong sa Olympics.

“We have to assess what would be the right program para hindi naman natin masyadong magulo ang PBA. Because there’s a global 3x3 world tour. Yung iba talagang focused dito. May mga players sila na 3x3 lang talaga ang nilalaro. Trabaho nila ito,” sabi ni Panlilio.

Yun ang kadahilanan kaya’t mas mataas ang see­ding ng Mongolia (No. 11) kaysa sa Pilipinas. Fo­cused ang Mongolia sa 3x3 kaysa sa 5-on-5.

Maaaring may magtanong bakit wala si Terrence Romeo o si Calvin Abueva.

“Siguro hindi lang namin tiningnan ang kaka­yahan nila to play basketball. Tiningnan namin ang ka­kayahan nila to fit in sa 3-on-3 mold. Magka­ibang-magkaiba kasi,” ani Magsanoc.

“We felt it’s not only offense but the ability to guard multiple positions based on the four teams we’re facing. Kung hahanapin mo lakas sa lakas, hindi tayo makakatapat. Meron kaming nakikitang pamamaraan na ang apat na players natin ay ma­giging competitive doon sa level na nilalaro ng mga makakalaban natin,” dagdag na paliwanag ni Mag­sanoc.

RONNIE MAGSANOC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with