^

PM Sports

Suwerte ang Dyip ni Dandan

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napaganda ang pagpapalit ng pangalan ng tropa ni coach Ricky Dandan.

Nakahugot ng double-digit mula sa limang local players, pinabagsak ng Columbian Dyip, dating Kia, ang Blackwater, 126-98 sa pagbubukas ng 2018 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“We talked about a change of attitude – we should not play the way we played last conference. Its’ a good morale boost from where we were,” sabi ni Dandan sa Dyip, dinuplika ang nag-iisang panalo ng Kia sa nakaraang 2018 PBA Philippine Cup laban sa Rain or Shine.

Umiskor si Fil-Am guard Jerramy King ng 30 points, tampok ang 5-of-11 shooting sa three-point range habang nagtala si Rashawn McCarthy ng 22 markers, 6 assists at 3 steals para sa Columbian Dyip.

“It means a lot, I mean I love to play basketball and I’d like to thank my coach for trusting me,” sabi ng 27-anyos na si King, produkto ng Long Beach State at ang No. 36 overall pick ng NLEX noong 2015 PBA Draft bago kinuha ng Rain or Shine bilang free agent sa nakaraang season.

Nag-ambag si Carlo Lastimosa ng 14 points para sa tropa ni Dandan kasunod ang tig-12 markers nina Eric Camson at Ronald Tubid at 9 ni import CJ Aiken.

Tumipa ang Dyip ng 13-of-37 shooting sa 3-point range kumpara sa 3-of-22 ng Elite, nakakuha kay balik-import Jarrid Famous ng 35 points, habang may 22 markers si Allein Maliksi.

 

vuukle comment

RICKY DANDAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with