^

PM Sports

Welcome sa POC si Zubiri

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Sinalubong ng Philippine Olympic Committee (POC) ng magandang pagbati ang pagkakatalaga ni Sen. Juan Miguel Zubiri bilang pinuno ng Philippine Southeast Asian Games Organi-zing Committee (Philsoc) sa 2019.

Ipinahayag ni POC president Jose Cojuangco na si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang pumili kay Zubiri para pamunuan ang ikaapat na hosting ng Pilipinas sa Sea Games.

“Aside from being a sportsman, Sen. Zubiri is dependable in delivering results in whatever task assigned to him in the past,” sabi ng 82-anyos na si Cojuangco sa POC Radio Forum ng Sports Radio kahapon.

Nakatakdang magpulong sina Zubiri at Cojuangco sa Lunes para pag-usapan sa unang  pagkakataon ang Sea Games hosting na unang ginawa dito noong 1981 at sinundan  noong 1991. Ang ikatlong hosting ng bansa sa biennial Asean regional multi-event meet ay noong 2005 kung saan nasungkit ng Team Philippines ang overall championship sa unang pagkakataon simula noong 1977.

Bilang pamumuno ng Philsoc, kakatawanin ni Zubiri si Pres. Duterte sa turnover rites ng Sea Games flag na gagawin sa closing ceremonies ng 29th SEAG na gaganapin naman sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Agosto 30.

Ang Pilipinas sa pamamagitan ni dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ay gumastos ng mahigit P300 milyon noong 2005 Sea Games bukod pa sa mahigit P300 million mula sa private sector na ginastos sa training ng mga atleta.

Sa pagkakatalaga ni Zubiri inaa-sahan din na uumpisahan nang pag-usapan ng Philsoc, POC at Philippine Sports Commission ang importanting bagay sa hosting kagaya ng kung ilang events at medalya ang ihahain at  iba’t ibang venues na gagamitin sa mahigit sampung araw na paligsahan.

Inaasahan din na gagawin sa ma-lawak na Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ang opening at closing ceremonies. - FCagape

 

JOSE COJUANGCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with