Thomas nabungian, ipinanalo ang Celtics
Utah Jazz sinibak ang Clippers sa 1st round
WASHINGTON -- Nagmula si Isaiah Thomas sa libing ng kanyang namatay na kapatid na babae at sinabi sa kanya ni head coach Brad Stevens na maaari siyang hindi maglaro sa Game One ng second-round playoffs.
Ngunit sinuway ni Thomas si Stevens at nagpa-tuloy sa paglalaro kahit na natanggalan ng unahang ngipin sa itaas sa isang insidente sa first period.
“It’s tough, but it’s the playoffs,” ani Thomas. “No excuses. I decided to play and I just tried to give it all I got for my team, and we came out with the win.”
Kumamada si Thomas ng 33 points para pamunuan ang Boston Celtics sa 123-111 pagpapayukod sa Wizards sa Game One ng kanilang best-of-seven Eastern Conference second round series.
Nagposte si Thomas ng 11-of-23 fieldgoal shoo-ting, kasama ang 6-of-7 clip sa free throw line, at nagtala ng 9 assists para ibalik sa kanilang porma ang Celtics matapos burahin ng Wizards ang 16-point lead na itinayo ng una.
“It was a team effort,” wika ni Thomas. “We got down big. We didn’t give up. We didn’t put our head down. From the first guy to the last, everybody contributed and we got the win.”
Nagmula ang Boston guard sa libing ng kanyang namatay na kapatid na si Chyna sa Washington state.
Namatay siya sa isang car accident.
Natanggal ang left front tooth ni Thomas matapos siyang masiko sa mukha ni Otto Porter ng Washington sa gitna ng first quarter.
Nang makita ni Thomas na nahulog sa sahig ang kanyang ngipin ay kaagad niya itong pinulot at ibinigay sa kanilang trainer.
Sa Los Angeles, pinatalsik ng Utah Jazz ang Clippers, 104-91, para wakasan ang kanilang first-round Western Conference series sa 4-3.
Sasagupain ng Jazz ang NBA win leader at defen-ding conference champion na Golden State Warriors sa second round na magsisimula sa Martes sa Oracle Center sa Oakland.
Nagpasabog si Gordon Hayward ng 26 points at kumolekta ng 8 rebounds para banderahan ang pito pang Utah players na tumipa ng double figures.
Nagdagdag sina George Hill at Derrick Favors ng tig-17 points para sa Jazz.
- Latest