^

PM Sports

Bolts binalasa ang Aces

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Halos lahat ay ginawa na ni point guard Baser Amer para maipanalo ang Bolts.

Humakot ang 5-foot-9 na si Amer ng 19 points, 9 rebounds, 5 assists at 2 steals para tulungan ang Meralco sa 99-91 paggiba sa Alaska sa 2017 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nag-ambag si import Alex Stepheson ng 17 markers, habang may 15 at tig-14 points sina Jared Dillinger, Chris Newsome at Justine Chua, ayon sa pagkakasunod, para sa pagbangon ng Bolts sa una ni-lang kabiguan sa mid-season conference.

Kinuha ng Meralco ang 25-point lead, 91-66, mula sa dalawang free throws ni Dillinger sa 6:01 minuto ng fourth quarter bago nakadikit ang Alaska sa 83-93 agwat sa huling 1:41 minuto nito.

Binanderahan ni import Cory Jefferson ang Aces sa kanyang game-high na 32 points.

Sa unang laro, ginulat ng Blackwater ang Globalport, 118-113, para sa kanilang unang panalo matapos ang apat na sunod na kamalasan.

Kumolekta si import Greg Smith ng 40 points at 19 rebounds para sa 1-4 baraha ng Elite.

Itinampok ng Batang Pier ang bagong import na si Malcolm White, pumalit kay Sean Williams, na tumipa ng 33 points at 17 boards.

vuukle comment

BASER AMER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with