PSA seminar-workshop
MANILA, Philippines - Magdaraos ang Philippine Sportswriters Association (PSA) ng kanilang ikalawang Philippine Sports Commission (PSC)-PSA Sportswriting Camp nga-yon at bukas sa Jaranuez, Indigo Village, Laguna.
Ang seminar/workshop, suportado ng San Miguel Corp at Philippine Airlines, ay pamamahalaan nina editors Lito Tacujan ng Philippine Star, Ted Melendres ng Philippine Daily Inquirer at Jimmy Cantor ng Malaya.
Ibabahagi ng tatlong bantog na sports editors ang kanilang kaalaman sa sportswriting bilang isang art form at bahagi ng journalism.
Ang sportswriting camp ay gagawin matapos ang weekly PSA Forum sa Golden Phoenix Hotel.
Bibisita si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) secretary-general Renato Unso sa public sports program na inihahandog ng San Miguel Corp., Golden Phoenix Hotel, Accel at Philippine Amusement and Gaming Corp. para talakayin ang ukol sa kampanya ng mga Filipino athletes sa katatapos na Philippine National Athletics Championships.
- Latest


















