Kakayanin ng Phl Team -- Carrion
MANILA, Philippines - Madaling sabihin na mahihigitan ng Philippines ang kanilang gold-medal production noong 2015 Southeast Asian Games sa Singapore.
Ang SEA Games ngayong taon ay gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia mula Aug. 19-31 at mape-pressure ang Philippines na higitan ang pagtatapos ng Pinas, dalawang taon na ang nakakaraan.
Tumapos ang Philippines na sixth overall sa Singapore sa taglay na 29 gold, 36 silver at 66 bronze medals sa likod ng Thailand (95-83-69), host country na Singapore (84-73-102), Vietnam (73-53-60), Malaysia (62-58-66) at Indonesia (47-61-74).
Sinabi ni gymnastics head Cynthia Carrion, ang chef-de-mission para sa Philippine delegation ngayong taon na ang intensiyon ay ilahok ang mga pinakamahuhusay na Filipino athletes para manalo ng mas maraming medals.
Inaasahang maglalahok ang Pinas ng 400 athletes para sumabak sa 37 sport mula sa 38 na inilatag ng Malaysia.
Noong Singapore SEA Games, 466 Filipino athletes ang inilahok.
Sinabi ni Carrion na kung manalo ang Filipino athletes ng isang gold medal bawat sport, mahihigitan nila ang 2015 gold-medal output ng Pinas.
“Every sport has to give me at least one gold medal. If some will win two or three then we will already surpass (2015 output),” sabi ni Carrion. “We will surpass it.”
Noong 2015 SEA Games, ang Philippines ay nanalo ng gold medals sa 15 sport mula sa 35 na nilahukan kung saan ang athletics na may 36 lahok ang may pinakamaraming napanalunan sa kanilang 5-7-9 gold-silver-bronze medals.
Ang boxing na may 10 entries ay nanalo ng limang gold, tatlong silver at dalawang bronze medals.
Ang taekwondo at billiards ay may tig-tatlong gold medals, ang triathlon at softball ay tigalawa at ang wushu, tennis, sailing, shooting, gymnastics, judo, rugby sevens, baseball at cycling ay may tig-isa.
Ngunit walang garantiyang aa-ngat ang puwesto ng pagtatapos ng Pinas kung mahihigitan ang medal production noong 2015.
“I hope and pray that we will do it,” dagdag ni Carrion, board member of the Philippine Olympic Committee.
- Latest