^

PM Sports

Giyera ng Bullpups at Baby Tams

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magsasagupa ang defending champion National University at Far Eastern University-Diliman sa pagsisimula ng UAAP Season 79 juniors basketball championship sa Filoil Flying V Centre ngayon.

Ayaw magsalita ni coach Jeff Napa sa tsansa ng Bullpups ngunit optimistiko siya sa kampanya ng kanyang koponan para sa ikaapat na titulo sa loob ng anim na taon.

Ang laban ay magsisimula sa alas-2:00 ng hapon na ipapalabas ng live sa S+A Channel 23.

Bagama’t nag-graduate na si Justine Baltazar, uma-bot sa finals ang NU sa tulong nina John Lloyd Cle-mente, Rhayyan Amsali, Karl Peñano, Paul Manalang at Winderlich Coyuca.

Ang Bullpups ay inaasahang mapapalaban sa Baby Tamaraws na huling nakarating sa Finals noong 2012 at nakopo ang titulo sa ilalim ni coach Mike Oliver.

Naging madali ang panalo ng NU sa De La Salle-Zobel sa Final Four habang nangailangan ang FEU-Diliman ng dalawang laro upang dispatsahin ang Ateneo sa isa pang semis pairing.

Siguradong pinaghandaan ng Baby Tamaraws ang kanilang Finals series kontra sa Bullpups.

 

vuukle comment

BABY TAMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with