^

PM Sports

DeRozan, Hayward napiling NBA Players of the Week

Pang-masa

NEW YORK -- Dahil sa kanilang pagbibida sa nakarang linggo ay kinilala sina Toronto Raptors scorer DeMar DeRozan at Utah Jazz forward Gordon Hayward bilang NBA Eastern at Western Conference Players of the Week, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni DeRozan ang Raptors sa 3-0 record mula sa kanyang average na 30.7 points (ikalawa sa East) mula sa 51.5 percent shooting bukod pa ang 7.3 rebounds.

Binuksan ng 27-an-yos na guard ang nasabing linggo nang magtala ng mga season highs na 41 points at 13 rebounds sa 114-106 panalo ng Toronto sa Boston Celtics noong Jan. 10.

Ito ang ikatlong 40-point game ng two-time All-Star ngayong season.

Tinapos niya ang nakaraang linggo sa kanyang 23 points, 5 rebounds at 5 assists sa 116-101 pananaig ng Raptors sa New York Knicks noong Jan. 15.

Nagposte naman si Hayward ng average na 23.7 points mula sa 73.5 percent shooting (ikaapat sa West) at nagdagdag ng 6.0 rebounds at 4.0 assists sa tatlong sunod na panalo ng Jazz.

Tumipa ang 26-an-yos na forward ng 10-for-12 fieldgoal shooting patungo sa kanyang 28 points sa 100-92 paggupo ng Jazz sa defending champion Cleveland Cavaliers noong Jan. 10.

Dinuplika ni Hayward ang kanyang season high na apat na 3-pointers laban sa Cavaliers.

vuukle comment

DEROZAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with