^

PM Sports

Ayaw nang patagalin ng Pocari

SEEN SCENE - Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Target ng Pocari Sweat na tapusin na ang best-of-three championship series sa kanilang muling paghaharap ngayon ng Bureau of Customs Lady Transformers sa Game Two ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference finals na gaganapin sa Philsports Arena sa Pasig City.

Matapos ang kanilang 25-22, 25-18, 25-18 panalo sa Game One noong Sabado, lalong tumaas ang morale ng Pocari Lady Warriors para sa pakikipagtuos sa Custom Transformers sa alas-6:00 ng gabi habang gusto ring masungkit ng BaliPure ang ikatlong puwesto laban sa University of Sto. Tomas Tigresses sa alas-4:00 ng hapon.

Tinalo rin ng Water Defenders ang Tigresses, 19-25, 25-16, 25-18, 25-18  sa Game One ng serye noong Sabado rin.

Sasandal muli ang Lady Warriors sa kanilang mahigpit na depensa sa pangunguna ng Amerikanong import na si 6’4 Andrea Kacsits at da-ting National University standout Desiree Dadang na nag-ambag ng tig-apat na blocks bawat isa  sa kabuuang 15 ng Pocari.

Ang Amerikanong import naman na si Bre Mackie at Michele Gumabao ang inaasahang mamumuno sa kanilang opensa. Humataw ang dalawa ng tig-13 puntos bawat isa sa Game 1 ng naturang finals series.

“Ang primary defense namin is block dun talaga kami nagre-rely considering na medyo malalaki din naman ‘yung players natin so ang focus talaga namin is blocking,” sabi ni Pocari Sweat coach Rommel Abella na hangad din ang ikalawang sunod na titulo sa Pocari, ang una ay ang nakaraang Open Conference.

Sa depensa ng Pocari, kahit si Alyssa Valdez ay nalimitahan sa 12 puntos lamang.

vuukle comment

POCARI SWEAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with