^

PM Sports

E-Painters, Seigle lumalaban pa rin

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kumpiyansa ang Rain or Shine management na mananatili ang kanilang competitiveness at pagiging fighting team kahit wala na si coach Yeng Guiao.

Matapos mapapirma ng panibagong kontrata sina Beau Belga, Raymond Almazan, Jericho Cruz, Jireh Ibañes at, sa kahuli-hulihan, si Gabe Norwood, nagpahayag si co-team owner Raymond Yu na handa na silang muling sumabak sa laban.

“Laban na kami sa lineup namin,” ani Yu.

Kapalit ng mga nawalang players na sina James Yap, Jay Washington at Gilas draftee Mike Tolomia.

Pero sa nakararami, ang katanungan ay kung mapapanatili nga ba ng Elasto Painters ang kanilang character at consistency bilang fighting team ngayong hindi na si Guiao ang nasa timon ng koponan?

“Makukuha ba ni Caloy Garcia ang parehong respeto na ibinigay ng Elasto Painters kay Guiao?

Dala-dala ang kanyang winning track record, inaasahan ng marami na magagawa rin ni Guiao na maging championship contender ang NLEX sa madaling panahon.

***

Makakasama pa rin ni Asi Taulava si Danny Seigle bilang mga elite seniors sa PBA.

 Ang hindi pa sigurado ay kung gaano kahabang kontrata ang extension deal na makukuha ni Seigle sa TNT KaTropa.

“It’s one year or one conference,” sabi ng isang TNT official.

Kung one conference, ibig sabihin ay kailangan niyang magpursigi sa Philippine Cup at ipakita na deserving pa siyang maglaro ng isang buong season.

Last season, nakalaro na lamang si Seigle ng 15 games kung saan tumikada siya ng 6.6 points at 3.3 rebounds per game. Tuluyan nang bumaba ang kanyang numero mula sa kaitaasan noong 2006-07 season kung saan nag-average siya ng 22.2 points per game.

Sa edad na 40-anyos, isa na lang si Seigle sa dalawang manlalarong nanatiling active mula sa mga PBA players na nagsimula ng paglalaro sa liga noong dekada 90.

DANNY SIEGLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with