Belo kukunin ng Blackwater
Sinu-sino ang mahuhugot sa PBA Rookie Draft?
MANILA, Philippines – Kagaya ng mga nakaraang edisyon, inaasahang magkakaroon ng mga trades bago at matapos ang 2016 PBA Rookie Draft ngayong hapon sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.
Noong nakaraang taon, matapos kunin ng TNT Katropa si Fil-Tongan Moala Tautuaa bilang No. 1 overall pick ay hinugot naman ng koponan si No. 2 selection Troy Rosario mula sa Mahindra makaraan ang dalawang araw sa pamamagitan ng komplikadong three-team trade kasama ang NLEX.
Hindi ito malayong mangyari ngayong 2016 drafting.
Bago ang regular draft ay ihahayag muna ang pinili ng 12 PBA teams na mga miyembro ng Gilas Pilipinas noong Huwebes sa isang ‘pre-determined draft’ sa pulong ng PBA Board.
Ang mga players ng Gilas Pilipinas pool ay sina Mac Belo, Arnold Van Opstal, Kevin Ferrer, Ed Daquiaog, Jio Jalalon, Mike Tolomia, Roger Pogoy, Russell Escoto, Von Pessumal, Carl Bryan Cruz, Alfonso Gotladera at Matthew Wright.
Walang makikitang pangalan nina Kobe at Jordan sa listahan ng 55 aplikante kung saan tanging sina Kobe Charley Caluya at Jordan dela Paz lamang ang inilaglag sa listahan para pagpili-an ng 12 PBA teams.
Sinasabing kinuha ng Blackwater si Belo, habang kinuha ng Barangay Ginebra si Ferrer at hinugot ng NLEX si Daquioag, pinili ng Rain or Shine si Tolomia at dinampot ng Meralco si Pogoy.
Hinugot ng San Miguel ang 6-foot-9 na si Van Opstal, hinirang ng Star si Jalalon at kinuha ng Phoenix si Wright.
Sina Cruz, Gotladera at Pessumal naman ang pagpipilian ng mga koponang Alaska, TNT Katropa at Globalport.
Ang Blackwater ang hihirang sa No. 1 overall pick kasunod ang Phoenix, Barangay Ginebra, Mahindra, Star, San Miguel Beer, Meralco, NLEX, Rain or Shine, Ginebra, Alaska at Phoenix sa first round.
Pipili sa second round ang NLEX, Rain or Shine, Globalport, Meralco, Alaska, Rain or Shine, Globalport, Phoenix, Rain or Shine, Mahindra, Alaska at Phoenix.
Ang ilan sa mga draftees na maaaring makuha sa first round ay sina Raphael Banal, Ryan Arambulo, Gelo Alolino, Paolo Javelona, Mcjour Luib, Mikee Reyes at FIBA Asia Challenge campaigners Chris Javier, Jonathan Grey, NCAA standouts Palo Pontejos, Jovit dela Cruz, Jamil Ortuoste, John Tayongtong, Jordan dela Paz, AlFrancis Tamsi, Achie Inigo, Jeoffrey Javillonar, Levi Hernandez, Joseph Eriobu at Jammer Jamito.
Samantala, kinuha ng Meralco si veteran guard Joseph Yeo mula sa Globalport kapalit ni slam dunker Rey Guevarra mula sa isang one-on-one trade.
Magbabalik si Guevarra, naging bahagi ng two-team, six-player deal noong 2013 na kinabibilangan nina Sol Mercado at Vic Manuel, sa bakuran ng Bolts.
- Latest