^

PM Sports

Non-call nga ba o right judgment?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kahit nangyari ang pinagtatalunang non-call sa isang mukhang illegal travel move ni Sol Mercado sa endgame ng Game Five, nagkakaisa ang lahat na fairly good ang tawagan sa Ginebra-Meralco finale.

Mataas pa rin naman ang rating ng officiating puwera na nga lamang sa crucial na parte ng Game Five kung saan nangyari ang disputed non-call, nang naghahabol ang Meralco ng six points at isang minuto pa ang nalalabi sa laro.

Dumiretso ang Ginebra upang hugutin ang wire-to-wire 92-81 win na naghatid sa Gin Kings papalapit sa unang titulo sa loob ng walong taon.

Hindi sana big deal kay Meralco coach Norman Black ang non-call pero nagpanting ang kanyang tenga nang lumapit ang isang referee at pinangatawanan na walang nangyaring traveling violation.

“I just went ballistic because I don’t understand how two people can see the same play and see totally different,” ani Black. “I intend to go watch the game and make sure that what I saw in the big screen was correct. And then we’ll just take it from there.”

Pero alam naman ni Black na maktol na lang ang puwede niyang gawin dahil hindi puwedeng basis ang judgment ng referees para iprotesta ang resulta ng laro.

Lalong no big deal kay Ginebra coach Tim Cone ang non-call dahil sigurado siya na hindi iyon ang nag-decide sa outcome ng game.

“We didn’t have anything to apologize for. This is part of the game, it happens. It didn’t change the game,” ani Cone.

Ayon naman kay PBA media bureau chief Willie Marcial, kahit si league commissioner Chito Narvasa mismo ay walang nakitang traveling violation sa kanyang pag-review ng game tape.

“Nakausap na niya si (Meralco top official) Al Panlilio. Sabi niya judgment ‘yon at aaminin namin kung mali ang tawag. Pero hindi traveling under the FIBA at PBA rules,” ani Marcial.

***       

Ano ang winning average ng Ginebra na tangan ang 3-2 lead sa best-of-seven series?

Mula sa record na hinalungkat ni PBA stats chief Fidel Mangonon, tatlong beses dumiretso sa championship sa apat na pagkakataon sa finals at 5-1 overall kasama ang dalawang 3-2 lead sa best-of-seven semis series.

SOL MERCADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with