^

PM Sports

Alaska Basketball Power Camp tagumpay

Jaime Laude, Roel Pareño - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagtapos ang 2016 Alaska Basketball Power Camp sa pamamagitan ng sesyon kasama si Philippine Basketball Association legend at Alaska Aces assistant coach Jeff Cariaso sa Philippine Military Academy  sa Baguio.

Halos 2,000 basketball enthusiasts mula sa Luzon ang lumahok sa basketball camps na idinaos sa Ateneo De Manila University Grade School covered courts sa Quezon City, Subic Gym sa Zambales, Sacred Heart School Covered Courts sa Cebu, Aquinas School sa San Juan, Metro Manila, Enverga University Foundation sa Lucena City, Bacolod Tay Tung High School, Faith School sa Batangas at sa PMA.

Ikinatuwa ni Cariaso ang kanyang pagtuturo sa basketball camps dahil sa pagbibigay ng mga partisipante ng kanilang makakaya sa mga drills at exercises para maging mahusay na player.

Bagama’t walang lumitaw na Most Valuable Player matapos ang basketball camps, naturuan sila  para maging pinakamahusay na team player.

Nakatuwang ni Cariaso ang mga expert basketball coaches kagaya ni two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller na nagturo sa mga batang campers kung paano maging magaling na basketball player sa pamamagitan ng theoretical at practical lessons.

Tiniyak din ni Cariaso na hindi lamang basketball ang kanilang itinuro sa mga bata kungdi pati ang kahalagahan ng disiplina, pagsisikap, pagkakaisa at determinasyon.

Natutunan din ng mga bata ang importansya ng proper nutrition para sa kanilang paglaki.

Ang power camps ang kumakatawan sa pilosopiya ng Alaska na ang sports ay maaaring makapagbigay ng pagpapahalaga sa discipline, hard work, teamwork at determination at matulungan ang mga batang maging kapaki-pakinabang sa pamayanan.

ABU SAYYAF

BASILAN

SUMISIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with