^

PM Sports

Bali Pure susukatan ng Air Force sa debut game sa Shakey’s V-League

Rene U. Borromeo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sisimulan ng Bali Pure ang kanilang kampanya sa Shakey’s V-League Open Conference ngayong hapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.

Makakatapat ng Bali Pure ang Philippine Air Force sa ganap na alas-4 ng hapon.

Sa kasalukuyan ay hin­­di pa kumpleto ang line-up ng Bali Pure dahil sa obligasyon ng iba sa ka­nilang mga manlalaro.

Hindi pa makakalaro sina three-time UAAP MVP Alyssa Valdez, da­ting NCAA MVP Gret­chel Soltones at Alyssa Eroa ng San Sebastian da­­hil sa mga nakatakda ni­lang exhibition matches at volleyball clinics sa London.

Sa darating na June 8 pa makakabalik ang tatlo, habang hindi pa nakukuha nina Jem Ferrer at Ella De Jesus ang clearance ni­la mula sa kanilang mo­ther company na PLDT.

Kasama sina De Jesus at Ferrer sa line-up ng Bali Pure, ngunit hindi pa maaring makapaglaro dahil sa hinihintay na clea­rance mula sa PLDT.

Inaasahan ni playing coach Charo Soriano na masusubukan ang kaka­yahan ng kanyang kopo­nan sa mga unang la­ro sa Open Conference.

“We haven’t really practiced as a team so we expect it to be a little challenging in our first few games. Hopefully, we could be complete soon and start to be competitive,” pahayag ni Soriano.

Makakalaban nina Soriano ang Philippine Air Force na pangunguna­han nina Iari Yongco, Ju­dy Ca­ballejo, Joy Cases Jennifer Manzano at May Pan­tino.

Kasunod ng laro ng Bali Pure-Air Force ay ang labanang Laoag Po­wer Smashers kontra Team Iriga sa alas-6:30 ng gabi.

Hangad ng Power Smashers na makabawi sa pagkatalo sa NU no­ong Sabado at susubukan namang manalo ng ba­gu­hang Team Iriga sa V-League.

Mauuna rito ay ang pagpapatuloy ng Spikers’ Turf sa ala-1 ng hapon tampok ang laro ng Reinforced Conference champions na Cignal kontra sa Bounty Fresh.

CEBU CITY VICE MAYOR EDGARDO LABELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with