^

PM Sports

Nietes gustong maagaw ang flyweight belt ni Estrada

Pang-masa

BACOLOD, Philippines – Nagmula sa matagumpay na pagdedepensa sa kanyang suot na WBO light flyweight crown sa pang-siyam na sunod na pagkakataon, target naman ngayon ni Donnie “Ahas” Nietes si Mexican world flyweight king Juan Estrada.

“Para sa akin, diretso na sana tayo kay Estrada,” sabi ni Nietes matapos talunin si Mexican challenger Raul Garcia via sixth-round TKO noong Sabado. “Gusto ko talaga lumaban sa mga big names imbes na mandatory.”

Si Nietes ay nananatiling world titlist sa pang-siyam na sunod na taon.

“Pero nasa manager ko pa rin iyan,” dagdag pa ng 34-anyos na Pinoy fighter.

Ayon sa ALA Promotions, dapat munang dumaan si Nietes sa isang mandatory defense kontra kay Moises Fuentes sa Setyembre 24 sa Carson, California.

Kung mananalo kay Fuentes ay maaari nang hamunin ng tubong Murcia, Negros Occidental si Estrada, ang kasalukuyang flyweight titlist ng WBO at WBA.

“Pag-aaralan at paghahandaan namin si Fuentes,” wika ni Nietes, dalawang beses nang tinalo si Fuentes  noong 2013 (majority draw) at noong 2014 (ninth-round TKO).

“Gusto ko talaga si Estrada (I really want to fight Estrada),” sabi ni Nietes sa 26-anyos na Mexican na anim na Pinoy na tinatalo, kabilang si ALA fighter Milan Melindo.

Ipinakita ni Nietes kung ano ang matitikman ni Estrada nang dominahin si Garcia.

“Lahat ng suntok niya, pinag-aralan namin talaga. Kapag bibitaw siya ng jab, counter ako ng hook; kapag bibitaw siya ng overhand, straight naman ako saka upper,” ani Nietes kay Garcia, isang dating world minimumweight king.

BRYCE DEJEAN-JONES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with