^

PM Sports

Morales, Guce bumandera sa unang 4 buwan ng karera

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa ipinapakita ng kanyang mga kabayo ay malaki ang tsansa ni businessman-sportsman Narciso Mora­les na muling makapagposte ng landslide victory sa pa­lakihan ng premyo sa hanay ng mga horse owners.

Naglista ng mga panalo sa regular races, kumuha si Morales ng 73 wins para sa kanyang premyong P11,377,898 mula Enero hanggang Abril.

Sa ulat ng Philippine Racing Commission, humakot ang land at air transportation businessman ng 90 se­cond, 80 third at 74 fourth place finishes kasunod si Patrick Uy na may P3,706,130 mula sa 30 wins.

“Another good month for the stable. We’ll try to sustain it (good showing). I guess our team is doing its homework well,” sabi ni Morales, nagkampeon no­ong nakaraang taon sa kanyang 200-plus wins.

Samantala, namuno naman si veteran Jesse Guce sa jockeys’ division.

Nanatili sa unahan si Guce sa paramihan ng kinita sa kanyang nakamit na premyong P1,553,970 kum­para sa P1,173,342 ni Oneal Cortez.

Nasa ikatlong puwesto naman si Mark Alvarez (P1,122,684).

Patuloy namang nangunguna ang multi-titled na Low Profile sa hanay ng mga kabayo sa prem­yong P1,610,529, kasama rito ang P800,000 nang mag­kam­peon sa Commissioner’s Cup noong Enero.

Sumegunda ang Dewey Boulevard (P1,610,529) ma­tapos ungusan ang Space Needle nang manalo sa Gintong Lahi Graduate Stakes Race na may prem­yong P600,000.

Wala namang nabago sa trainers’ division sa pamu­muno ni veteran Ruben Tupas na may P1,220,548 mu­la sa 74 first, 67 second, 55 third at 58 fourth places fi­nishes kasunod si Dave dela Cruz.

MORALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with