^

PM Sports

Philadelphia umaasang makakahugot ng magandang pick sa Draft

Ms. Anne - Pang-masa

NEW YORK – Matapos ang malamyang kampan-ya, magkakaroon na rin ang Philadelphia 76ers ng pagkakataong mapalakas ang kanilang koponan.

Ang 76ers ay may pinakamalaking tsansang manalo sa NBA draft lottery para sa posibleng dalawang top-four picks kung papanig sa kanila ang pingpong balls.

“It’s a big day on Tuesday,” sabi ng bagong president of basketball operations na si Bryan Colangelo. “We’re going to know where we are and no matter how it comes out, we’re at least going to know where we stand and what we have to play with respect to building this team.”

Ang Lakers at Celtics, ang dalawang pinakamakulay na prangkisa sa NBA ay may pagkakataon ding makamit ang No. 1 pick at tsansang makapili ng player na maaaring makatulong sa kanila sa susunod na season.

Ngunit ang 76ers na may pinakamasamang record sa liga ay may 25 porsiyentong manalo sa lottery.

Maaari silang makipagpalitan ng picks sa Sacramento Kings mula sa isang trade sangkot si Nik Stauskas.

“To win it is a euphoric feeling,” wika ni Colangelo, ginawa din ito 10 taon na  ang nakakalipas sa Toronto. “Obviously there’s a lot of chance involved. We have likely more chances than anybody else, which is a good thing.”

vuukle comment

JULIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with