LeBron ini-issue sa pagkakasibak ni Blatt
INDEPENDENCE, Ohio – Mariing itinanggi ni LeBron James na siya ay isang ‘coach killer’.
Tinuligsa sa basketball circles dahil sa sinasabing siya ang humiling sa Cleveland front office na sibakin si coach David Blatt noong nakaraang linggo, sinabi ni James na hindi makatarungan ang akusasyon sa kanyang pagpapatalsik sa coach.
“But what can I do about it?” wika ni James matapos ang shootaround bago labanan ng Cavs ang Phoenix Suns.
“I’ve never, in my time since I picked up a basketball, ever undermined a coach, ever disrespected a coach,” sabi ni James. “You ask any of my little league coaches, my high school coaches, coaches I’ve played for in tournaments, camps, my NBA coaches, I’ve always respected what they wanted to do.”
Sinibak si Blatt noong Biyernes sa kalagitnaan ng kanyang ikalawang season sa kabila ng paggiya niya sa Cavs sa itaas ng Eastern Conference standings at sa nakaraang NBA Finals.
Ang pagpapatalsik kay Blatt - siya ang ikatlong coach na nasibak sa koponang pinaglaruan ni James - ay kumondena sa four-time league MVP.
Si Blatt ay pinalitan ni Tyronn Lue, ang kanyang top assistant at dating NBA player na nakilala ni James noong bata pa siya.
- Latest