^

PM Sports

Basketball schedule sa Rio aayusin pagkatapos ng Manila Olympic Qualifying

Pang-masa

MIES -- Sinabi ni FIBA sport and competitions director Predrag Bogosavljev na gagawin ang final draw para sa 12-team Olympic basketball tournament sa Rio de Janeiro, Brazil matapos ang gold medal game ng qualifying tournament sa Mall of Asia Arena sa July 10.

Ang Olympic qualifiers sa Belgrade, Serbia at Turin, Italy ay magsisimula sa July 4 at matatapos sa July 9, habang ang Manila tournament ay magbubukas sa July 5 at magwawakas sa July 10.

Ang mga mananalo sa Serbia at Italy tournaments ay malalaman bago ang final game ng Manila event.

Isasagawa ang Rio draw sa FIBA House of Basketball sa March 11 para sa tatlong bakanteng posisyon.

Ang tatlong magkakampeon sa Olympic qualifiers ang makakakuha sa naturang tatlong tiket. Ang mga koponang tiyak nang makakapaglaro sa 2016 Rio Olympics ay ang 2014 World Cup champion US, Spain at Lithuania dahil sa pagtatapos bilang 1-2 sa EuroBasket, ang FIBA Asia champion China, ang FIBA Africa champion Nigeria Venezuela at sumegundang Argentina sa FIBA Americas, ang FIBA Oceania champion Australia at ang host Brazil.

  Sinabi ni Bogosavljev na magkakaroon ng press conference matapos ang Manila finals at ang final Rio draw ay idaraos sa nasabing okasyon.

Nagkausap sina Barrios at Bogosavljev sa FIBA office para talakayin ang mga bagay sa Manila hosting.

Nakatakdang bumisita si Bogosavljev sa Manila kasama si FIBA Asia secretary-general Hagop Khajirian ng Lebanon para sa isang two-day inspection tour sa Pebrero 28.

 Darating naman sa bansa si FIBA director of TV and media rights Paul Stimpson sa April para ipanalisa ang TV arrangements sa Philippine host network.

ANG

ANG OLYMPIC

BOGOSAVLJEV

FIBA

HAGOP KHAJIRIAN

HOUSE OF BASKETBALL

MALL OF ASIA ARENA

NIGERIA VENEZUELA

PAUL STIMPSON

PREDRAG BOGOSAVLJEV

RIO OLYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with