Lowry nagka-injury sa panalo ng Raptors
TORONTO - Kumamada si All-Star starter Kyle Lowry ng 29 points bago nilisan ang laro dahil sa injury sa final canto, ngunit nagawa ng Raptors na talunin ang Washington Wizards, 106-89 para sa kanilang pang-siyam na sunod na panalo na pumantay sa franchise-best mark nila.
Hindi natapos ni Lowry ang laro matapos magkaroon ng injured hand sa ilalim ng huling apat na minuto sa fourth quarter.
Nagbalik siya sa bench ngunit muling inalalayan ng kanilang mga trainers sa ilalim ng stands.
Nagtala si Jonas Valanciunas ng 13 points at 12 rebounds para sa Raptors, habang nagdagdag si DeMar DeRozan ng 17 points kasunod ang 15 ni Terrence Ross mula sa bench.
Pinamunuan naman ni John Wall ang Wizards sa kanyang 18 points at 14 assists.
Sa New York, tumapos si Kevin Durant na may season-high na 44 points at humakot ng 14 rebounds para pangunahan ang Oklahoma City Thunder sa 128-122 overtime win laban sa Knicks.
Isinalpak ni Durant ang panablang jumper sa huling 16.2 segundo sa regulation at tumipa ng 7 points sa overtime para lampasan ang nauna niyang ginawang 43 points laban sa Orlando Magic noong Oct. 30 sa larong nagtapos sa dalawang overtime.
Kumonekta si Durant ng apat na sunod na free throws sa huling 30 segundo para tumapos na may 16 for 18 sa foul line.
Nagdagdag si Russell Westbrook ng 30 points, 10 assists at 8 rebounds para sa Thunder, buma-ngon mula sa kabiguan sa Brooklyn Nets noong Linggo para sa kanilang pang-walong panalo sa huling siyam na laro.
Naglista naman si Langston Galloway ng 21 points sa panig ng Knicks, naglaro nang wala si injured leading scorer Carmelo Anthony.
Sa Philadelphia, nagposte si Ish Smith ng 20 points at 9 assists at nag-ambag si Robert Covington ng 19 points para igiya ang 76ers sa 113-103 panalo laban sa Phoenix Suns.
Nagdagdag si Nik Stauskas ng 15 points kasunod ang 14 ni Nerlens Noel para sa Sixers.
Humakot naman si Archie Goodwin ng 26 points, habang kumolekta si Alex Len ng 16 points at 12 rebounds para sa Suns.
- Latest