^

PM Sports

No hard feelings si Crawford kay Pacquiao pero...

DM - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bagama’t mas pinili ni Manny Pacquiao na labanan si Timothy Bradley kumpara sa kanya, wala itong problema para kay Terence Crawford.

Sa halip ay sasagupain ni Crawford, ang kasalukuyang WBO super lightweight champion at isa sa mga sumisikat na boksingerong si Hank Lundy sa Feb. 27.

Wala siyang problema kung hindi man siya ang piniling labanan ni Pacquiao dahil itinuturing niyang matalik na kaibigan si Bradley.

“I’m happy Tim got it,” sabi ni Crawford sa report ni Keith Idec ng NorthJersey.com.

Sina Crawford at Bradley kasama si Amir Khan ay ilan sa mga pinagpilian ni Pacquiao para sa kanyang huling laban sa April 9 sa LasVegas.

Si Bradley ang nanalo sa sweepstakes kung saan sinabi ng adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz na ang Pacquiao-Bradley 3 ay magbibigay ng best financial package para sa Filipino icon.

Sa kabila ng kabiguang mabingwit ang magiging pinakamalaki niyang payday, sinabi ni Crawford na karapat-dapat si Bradley na muling labanan ang Filipino superstar.

“Tim deserves it. Tim is one of those fighters who’s been putting his life on the line his whole career, beat a lot of good fighters and did a lot of great things in boxing, and never got the credit he deserves. Never,” sabi ni Crawford.

Matapos bumagsak ang usapan sa pagitan ng mga kampo nina Pacquiao at Khan ay tanging sina Bradley at Crawford, parehong nasa Top Rank, ang natira sa listahan.

Ngunit sinabi ni Crawford na walang nakipag-usap sa kanya para laba-nan si Pacquiao.

“That was a red flag right there,” wika ni Crawford, may 27-0 record kasama ang 19 knockouts.

ACIRC

AMIR KHAN

ANG

BRADLEY

CRAWFORD

HANK LUNDY

KEITH IDEC

MICHAEL KONCZ

PACQUIAO

SI BRADLEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with