Gusto nang tapusin ng Aces Globalport hihirit pa
MANILA, Philippines – Bitbit ang mala-king 3-1 kalamangan, ngayong gabi ay maaari nang tapusin ng Aces ang kanilang best-of-seven semifinals series ng Batang Pier para masikwat ang unang finals ticket ng 2016 PBA Phi-lippine Cup.
Subalit alam ni Alaska coach Alex Compton na magiging determinado ang Globalport ni mentor Pido Jarencio na makapuwersa ng Game Six sa Huwebes.
“I hope we can fi-nish it on Game Five but we don’t underestimate them,” wika ni Compton matapos ang 109-94 pagdomina ng kanyang Aces sa Batang Pier sa Game Four noong Linggo.
Puntirya ang pagdampot sa finals berth, pipilitin ng Alaska na tapusin ang Globalport sa Game Five ng kanilang semifinals showdown ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Hangad ng Aces na makasikwat ng korona matapos mabigo sa nagkampeong San Miguel Beermen sa nakaraang PBA Philippine Cup at Governor’s Cup.
Ang malamig na three-point shooting naman ng Batang Pier sa nakaraan nilang tatlong sunod na kabiguan sa serye ang bagay na nagpanalo sa Aces.
Sa kanilang mga kabi-guan sa Game Two, Three at Four ay nagsalpak lamang ang Globalport ng 25-of-95 clip sa 3-point area.
“They’re playing really good defense, but it’s definitely the shooting, we’ve been hitting the whole year and they’re sagging off and we’re not just hitting it right now,” sabi ni Batang Pier point guard Stanley Pringle, tumipa ng 16 points mula sa 6-of-18 fieldgoal shooting sa Game Four.
Tumapos naman si scoring guard Terrence Romeo na may 24 points buhat sa kanyang 9-of-21 clip.
Bagama’t kailangang manalo ng tatlong sunod para makapasok sa kauna-unahan nilang finals appearance, umaasa pa rin si Jarencio na mapipigilan nila ang Alaska.
“Tignan natin baka mabuhay natin, tutal kaila-ngan pa nila manalo ng isa bago pumasok (ng Finals). We’ll do our best,” sabi ni Jarencio.
- Latest