^

PM Sports

Nietes, Donaire, Tabuena Co-Athletes of the Year?

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagningning ang bituin ng Philippine sports sa nakaraang taon mula sa mga tagumpay ng dalawang world boxing champions at isang sumisikat na golfer.

Kumuha ng magkakahiwalay na panalo sina boxing champions Donnie Nietes at Nonito Donaire Jr. kasama si Asia Tour winner Miguel Tabuena sa nakaraang taon kung saan naging malimit ang panalo sa hanay ng mga Filipino athletes.

Dahil sa kanilang mga tagumpay ay ibibigay kina Nietes, Donaire at Tabuena ang Athlete of the Year award sa pagdaraos ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night na inihahandog ng Milo at San Miguel Corp. sa Pebrero 13 sa One Esplanade sa Pasay City.

Ito ang unang pagkakataon sa nakalipas na tatlong taon na magkakaroon ng multiple awardees para sa PSA Athlete of the Year award na ibinibigay ng pinakamatandang media organization sa mga karapat-dapat na mga atleta at koponan na gumawa ng kanilang marka sa partikular na taon.

Pinagsaluhan nina Donaire at lady boxer Josie Gabuco, Team Manila at ng Ateneo Blue Eagles ang Athlete of the Year honor noong 2012.

Ito ang ikaapat na pagkakataon na pararangalan si Donaire (2007, 2011, 2012) ng sportswriting fraternity ng parehong award, habang ito naman ang una para kina Nietes at Tabuena.

“Nonito Donaire Jr., Donnie Nietes, and Miguel Tabuena again showed and proved to the world what Filipino athletes are made of as proof of their triumph and success in their respective fields last year. As the country’s sources of pride, all three are truly deserving of the Athlete of the Year honor,” sabi ni PSA president Riera Mallari ng Manila Standard.

Naging matagum-pay ang pagbabalik ni Donaire sa boxing ring noong 2015 nang muling lumaban sa super-bantamweight division.

Matapos maisuko kay Nicholas Walters ang world featherweight title noong 2013 ay umiskor naman si ‘Filipino Flash’ ng second round technical knockout win kay William Prado noong March at nanalo kay Anthony Settoul matapos ang apat na buwan.

Binigo naman ng 33-anyos na si Donaire si Mexican Cesar Juarez para angkinin ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) super-bantamweight title sa kanilang laban noong Disyembre sa San Juan, Puerto Rico.

Dalawang beses pinabagsak ng Filipino champion si Juarez sa fourth round, ngunit nakuntento sa unanimous decision win para sa kanilang ‘Fight of the Year’ candidate.

Sinimulan naman ni Nietes ang 2015 nang maging longest reigning Filipino world champion matapos ungusan ang da-ting record na pitong taon at tatlong buwan ni boxing great Gabriel ‘Flash’ Elorde.

Ngunit ipinakita ng tubong Murcia, Negros Occidental at top fighter ng Cebu-based ALA boxing promotions kung bakit siya ang patuloy na nagdodomina sa WBO light flyweight class.

Matagumpay na naidepensa ng 33-anyos na si Nietes ang kanyang suot na 108-lbs belt laban kina Gilberto Parra, Francisco Rodriguez Jr. at Juan Alejo mula sa isang 12-round unanimous decision sa kanyang US debut sa StubHub Center sa Carson, California.

Dinaig naman ni Tabuena si Scott Barr ng Australia sa pamamagitan ng single stroke para angkinin ang kauna-unahan niyang Philippine Open championship.

Pinakinang ng 22-anyos na si Tabuena ang kanyang panalo nang ipasok ang anim na birdies para muling maghari sa Luisita Gold and Country Club sa Tarlac at iposte ang course record tatlong buwan bago ang Philippine Open.

Dahil sa masamang panahon ay napilitan ang mga organizers na paik-liin ang torneo sa isang 54-hole event na hindi nakaapekto sa pagsikwat ni Tabuena sa kanyang unang panalo sa Asian Tour.

Bukod sa Athlete of the Year, ibibigay din ang mga major awardees at citations sa mga athletes, entities at organizations na nagbigay ng kontribusyon sa Philippine sport.

Pararangalan din ang mga gold medal winners ng nakaraang 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

ACIRC

ANG

ATHLETE OF THE YEAR

DONAIRE

DONNIE NIETES

MGA

MIGUEL TABUENA

NIETES

NONITO DONAIRE JR.

PHILIPPINE OPEN

TABUENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with