^

PM Sports

Nalugi ang MMTC

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sobrang mababa ang benta sa karera noong Martes at kinailangang kanselahin ang karera nitong Miyerkules dahil sa biglaang pagpu-pull-out ng mga betting terminals ng Philippine Racing Club.

Sa hindi malamang dahilan, itinigil ng PRCI ang paggamit ng marami-raming betting terminals noong Enero 5 na parehong ginagamit ng MMTC (MetroTurf) at PRCI ng ilang buwan na sa pamamagitan ng service provider na Global Versatech, Inc. (GVI), na naging sanhi ng malaking pagbaba ng sales.

Dahil dito, maraming  OTB na gumagamit ng PRCI terminals ang naghinto ng operasyon. Ikinagulat ito ng mga OTB dahil sanay na silang gamitin ang kahit na anong terminals ng dalawang clubs sa kanilang mga pakarera.

Marami ang nagtaka kung bakit nangyari ito bagama’t alam ng marami na maganda ang relasyon ng mga opisyal ng PRCI at MMTC.

Nabigla rin ang mga MMTC officials  kaya hindi sila nakagawa agad ng aksiyon sa pangyayari.

 “Nonetheless, we opted to continue our racing ope-rations last Tuesday to fulfill our obligations to the racing public. But the sales were really affected since many OTBs could not switch to the MMTC terminals immediately,” sabi ni MMTC racing manager Wilbert Adriano.

Napuwersa ang MMTC na ikansela ang mga karera noong Miyerkules dahil sa patuloy na problema sa mga tayaan at ang biglaang pagpu-pullout ng mga terminals ng PRCI.

Nangyari ito habang abala ang  MMTC na nagpapakalat ng mga bagong terminals para palitan ang tinatayang 200 na na-install na sa iba’t ibang OTBs.

Naniniwala ang MMTC na ang installation ng mga modernong betting terminals ay magpapabilis ng transactions para makatulong sa  sales ng industriya. Ang tinatayang 100 bagong betting machines ay inaasahang magagamit na sa kalagitnaan ng buwan.

Sa 300 bagong terminals na na-install sa lahat ng 247 OTBs bago ang target date na January 15, ang mga nakatakdang karera sa MetroTurf at ang tayaan sa iba’t ibang OTBs ay inaasahang magiging maayos na ang takbo.

“We assure you that we will have at least 300 most modern terminals installed in all active OTBs before the next races on Jan. 16 and 17,” dagdag ni Adriano.

ACIRC

ADRIANO

ANG

DAHIL

GLOBAL VERSATECH

MGA

MIYERKULES

MMTC

PHILIPPINE RACING CLUB

TERMINALS

WILBERT ADRIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with