^

PM Sports

Pigilan si Terrence ang misyon ng Alaska

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Halos hindi napigilan ng Alaska si Globalport scoring guard Terrence Romeo sa pagkamada ng bagong career-high na 41 points sa Game One ng kanilang semifinals series para sa 2015-2016 PBA Philippine Cup.

Sinabi ni Romeo na inaasahan niyang mas magi-ging mahigpit ang depensa ng Aces sa kanya sa Game Two ng kanilang best-of-seven semifinals wars nga-yong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Alam kong mag-a-adjust sila sa depensa kaya sinabi ko sa teammates ko na series ito, ready lang kayo kasi baka dumating ‘yung point na magta-trap sila sa akin,” sabi ni Romeo, muling makakatuwang sina Stanley Pringle, Joseph Yeo, Jay Washington at Billy Mamaril.

Kundi ang pagsalpak ng kanyang mga three-point shots ay nalalansi ni Romeo ang kanyang mga bantay sa pamamagitan ng crossover moves para akayin ang Batang Pier sa 107-93 panalo sa series opener noong Lunes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

At hindi natuwa si Alaska coach Alex Compton sa nangyari.

“We have a few different defenses and guys to throw at him and I thought our lack of talk on defense, I didn’t hear us out today. I couldn’t figure out why the leading scorer of the league is that open,” sabi ni Compton. “That was not the gameplan. He just brought the ball down the middle and nobody picked him up. I was very disappointed at that.”

Ang maagang paglayo ng Globalport sa first period kung saan nagtayo agad sila ng maluwang na 18-point lead ang maaaring isa sa naging dahilan ng pagkatalo ng Alaska.

“Talagang bad start lang kami. Masyado kaming nag-relax sa depensa at nagkanya-kanya kami sa opensa,” wika ni forward Vic Manuel, nagtala ng 14 points at 11 rebounds para sa Aces.

Maliban kay Manuel, muli ring aasahan ni Compton sina Cyrus Baguio, JVee Casio, Calvin Abueva at Sonny Thoss para makatabla sa serye.

Bagama’t nakuha ang 1-0 bentahe, sinabi ni Batang Pier mentor Pido Jarencio na isang mahabang serye ang kanyang inaasahan.

“Nanalo kami sa Game One pero siguradong mahaba ito,” wika ni Jarencio, nasa kanyang kauna-una-hang semifinals appearance bilang coach ng Globalport.

ACIRC

ALEX COMPTON

ANG

BATANG PIER

BILLY MAMARIL

CALVIN ABUEVA

COMPTON

CYRUS BAGUIO

GAME ONE

GAME TWO

GLOBALPORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with