^

PM Sports

Judoka Watanabe target ang Rio Olympics

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sasabak si Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe, isang two-time Southeast Asian Games champion at 2014 Asian Youth tilt gold medalist, sa dalawang malalaking torneo sa hangaring makakuha ng tiket para sa Rio Olympics.

“Judo (association) will field Watanabe in two Olympic-qualifying tournaments in her bid to qualify for the Olympics,” sabi ni Romeo Magat, ang head ng Philippine Olympics Committee’s Cluster B task force para sa Rio Games.

Nakausap ni Magat ang mga officials ng Phi-lippine Judo Federation (PJF) at ng track and field, weightlifting at shooting associations kahapon.

Lalaban ang 19-anyos na si Watanabe sa Grand Slam Paris sa Pebrero sa France at sa Asian Seniors Championships sa April sa Uzbekistan para makakuha ng Olympic Ranking points.

Sa qualification guidelines, ang isang judoka ay maaaring makasama sa Rio Olypics base sa kanyang puwesto sa IJF World Ranking hanggang May 2016.

Ang Top 14 sa bawat dibisyon ay awtomatikong makakalaro sa Rio Games.

Ang iba namang mga aspirante ay aasa naman sa Continental Qualification na ibabase sa ranking sa lahat ng weight categories at sa pamamagitan din ng Tripartite.

Si hurdler Eric Shaun Cray ang unang Filipino athlete na naka-qualify para sa Rio Games matapos makapasa sa standard. (OL)

ANG

ANG TOP

ASIAN SENIORS CHAMPIONSHIPS

ASIAN YOUTH

CLUSTER B

CONTINENTAL QUALIFICATION

ERIC SHAUN CRAY

GRAND SLAM PARIS

JUDO FEDERATION

KIYOMI WATANABE

RIO GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with