Philippine Azkals humugot ng firepower at reinforcements
MANILA, Philippines – Nakakuha ang Philippine Azkals ng kinakailangang firepower at reinforcements bago ang kanilang joint qualifiers sa 2018 FIFA World Cup at sa 2019 AFC Asian Cup.
Sumama sa Azkals sina Iain Ramsay, Luke Woodland, Stephan Palla at Kevin Ingreso, habang nagbalik naman sina Stephan Schrock at Javier Patino para muling mapabilang sa mga regulars na sina Phil Younghusband, Misagh Bahadoran at Rob Gier.
Nanggaling ang Azkals sa 2-1 panalo laban sa Bahrain (2-1) at isinunod ang Yemen, 2-0, sa pagsisimula ng Group H.
Matapos ito ay nakalasap naman ang koponan ng 1-5 kabiguan sa Uzbekistan at nakatapat ang North Korea at Bahrain noong Oktubre.
Napuwersa ng Phl XI ang North Koreans sa scoreless draw sa Pyongyang.
Subalit muli na namang nakatikim ng pagkatalo ang Azkals nang yumukod sa Bahrain, 0-2, at Yemen, 0-2 na unti-unting nagsara ng pintuan sa kanilang tsansang makalaro sa World Cup bid.
May dalawa pa silang laban na natitira sa group play.
Dahil dito ay hangad na lamang ng Azkals na makatapos sa ikatlo sa kanilang grupo kasabay ng pagtutok sa paglahok sa Asian Cup, ang premier competition ng kontinente.
- Latest