^

PM Sports

Ang biyahe ng Gilas patungong Rio Olympics

Mae Balbuena - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi magiging madali ang daan ng Gilas Pi­lipinas patungong Rio de Janeiro Olympics sa Brazil ngayong 2016.

Malalakas ang kala­ban sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Bukod diyan ay ma­rami pang factors na ma­aaring makaapekto sa pagpili ng bubuo sa Na­tional team, sa trai­ning, preparasyon, fi­nan­­cial assistance at actual competition.

Kailangang makabuo ng pinaka-ideal na ros­ter, best-of-the-best ika nga. Kailangan ng ma­habang preparasyon. Kailangan ng intensibong training. Kaila­ngang kondisyon ang la­hat ng miyembro ng ko­ponan pagdating sa ak­tuwal na kompetis­yon.

Madaling sabihin… mahirap gawin.

Kasama sa Gilas trai­ning pool sa ilalim ng pangangasiwa ni national coach Tab Baldwin na inaprubahan ng PBA Board ay sina  Cal­vin Abueva, Gabe Nor­wood, Jayson Castro, Ra­nidel de Ocampo, Matt, Ganuelas-Rosser, Marc Pingris, Terrence Ro­meo, June Mar Fajar­do, Marcio Lassiter, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Greg Slaughter, Jeff Chan, Paul Lee, Ryan Reyes, Troy Rosario at Ian Sanggalang.

Kinuha rin sa trai­ning pool sina Stanley Pringle, Kiefer Ravena, Mac Belo, Moala Tautuaa, Aldrech Ramos at Kevin Ferrer.

Mula sa pool na ito ay pipiliin ang ilalaban sa FIBA Olympic qualifier kung saan inaasahang makakasama ng team si naturalized player Andray Blatche pati na rin ang Fil-Am LA Lakers player na si Jordan Clarkson.

Matapos ang anim na sesyon ng training sa nagdaang taon, hindi natutuwa si Baldwin dahil hindi nakukumpleto ang team kaya kinaila­ngang magdagdag ng pla­­yers sa pool.

Gayunpaman ay hin­di siya nagrereklamo da­hil alam naman niya ang sitwasyon.

Ang ibang pla­yers ay naglalaro pa sa kanilang mother teams na lumalaban pa sa kasalukuyang PBA Phi­lippine Cup na nasa se­mifinal stage na.

Sina De Ocampo at Lee ay nagrerekober naman sa kanilang injury.

Umaasa si Baldwin na mas magiging ma­ganda ang itatakbo ng trai­ning ng team simula ngayong Enero para mapaghandaan nang husto ang FIBA Olympic qualifying  na gagawin sa July.

Sa pangunguna ng ma­jor basketball-bac­ker na si sports patron Manny V. Pangilinan (MVP), hangad ng Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ma­kuha ang hosting ng isa sa tatlong FIBA Olympic qualifiers.

Hinihintay na lamang ang announcement ng tatlong host countries na mangya­yari sa January 19.

Sa tulong din ni MVP ay kailangang mag­karoon ng sapat na training at international exposure ang isasabak na koponan.

May 15 bansa na ang nag-qualify sa FIBA Olympic Qualifiers bukod pa sa tatlong mapipiling host.

Kung ang mapipi­ling host ay kasama na sa mga nag-qualify, aangat ang sumunod na highest placer na bansa sa kinaanibang regional championships ng bansang magho-host.

Ang mga nag-quali­fy na ay ang France, Ser­bia, Greece, Italy at Czech Republic mula sa EuroBasket 2015; Ca­na­da, Mexico at Puer­to Rico mula sa  FI­BA Ame­ricas champion­ships; Angola, Tunisia at Senegal mula sa Af­ro­Basket 2015; ang Philippines, Iran at Japan mula sa FIBA Asia; at New Zealand mula sa FIBA Oceania.

Lahat ng teams ay  ma­lalakas na kalaban.

Kabilang sa mga pi­nagpipiliang host ng tat­long qualifying torna­ments ay ang Turkey, Ger­many at ang mga nag-qualify nang Pilipi­nas, Czech Republic, Italy at Serbia.

Ang kabuuang 18 teams ay igugrupo sa tat­long qualifying tournaments.

Kailangang mapunta ang Pinas sa magaang grupo at makaiwas sa ‘Group of Death.’

ACIRC

ALDRECH RAMOS

ANDRAY BLATCHE

ANG

BALDWIN

CZECH REPUBLIC

FIBA

GABE NOR

GILAS PI

GREG SLAUGHTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with